KAILANGAN maratipikahan ng Senado ang kasunduan para sa ‘enhanced military cooperation’ ng Filipinas at Estados Unidos dahil ito ay tratado lamang, pahayag ni Senadora Miriam Defensor-Santiago kahapon.
Dahil nasa final stages na ang negosasyon, pinagkalooban na ng Filipinas ang US ng access sa Philippine military bases.
Idniin ng mga opisyal ng Filipinas na ang ‘access’ ay iba sa ‘basing,’ at paulit-ulit ding sinabi ng US na hindi sila interestado sa muling pagtatatag ng military beses sa bansa.
Ang bagong security deal ay pinag-uusapan ng dalawang bansa sa gitna nang lumalakas na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea at South China Sea.