Friday , November 1 2024

Petilla out!

TAMA lamang ang rekomendasyon ni Senador Serge Osmeña kay PNoy na patalsikin na sa Gabinete si Energy Sec. Jericho Petilla dahil lalong lumala ang problema ng kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa.

Malinaw kasi sa mga ikinikilos ni Petilla na hindi ito sa bihasa sa usapin ng enerhiya at maging sa pamamalakad ng naturang kagawaran kaya’t nagkawindang-windang ang suplay ng kuryente sa bansa lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Maging ang usapin ng pagnenegosyo sa bansa ay namimiligro dahil bukod sa  malinaw na nasa atin ang pinakamahal na singil ng kuryente sa buong Asya ay hindi pa stable ang suplay nito.

Sa kasalukuyang nangyayari sa Mindanao ay lumalabas na bagsak na ang negosyo sa naturang lugar dahil umaabot sa mahigit na anim na oras ang brownout araw-araw.

Kapansin-pansin din ang kawalan ng plano at drastikong programa ng gobyerno sa pagresolba ng energy crisis kaya’t tiyak na lulubha pa ang naturang problema dagdag pa ang lider ng DoE ay isang pulitiko na ang pokus ay pulitika.

***

Ibang klase raw itong bagong mayor ng Caloocan City.

Aba’y may balita kasing benta rito at benta ruon na raw ang ginagawa ni Mayor Oca Malapitan sa mga pag-aari ng siyudad.

Kung noon ang mga dating naging alkalde ay nagsumikap na mapakapagpundar ng mga lupa at pag-aari ay kakaiba naman daw ang istilo ni Mayor Oca dahil isinasalya raw nito ang mga pwedeng ibenta sa ari-arian ng lungsod.

Kakaibang ang ginagawa ni Malapitan kaya’t ito ang inyong abangan dahil ito ang ating hihimayin sa mga susunod natin pitak.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *