Monday , January 13 2025

Laborer ‘lumipad’ sa 19/F, tigok (Live-in iisplit)

HINIHINALANG problema sa live-in partner kaya lumundag  mula 19th floor ang 28-anyos, laborer, sa gusaling kanyang pinagtratrabahuan, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Edil Henry, stay-in laborer, sa ginagawang Tower 5 Suntrust Parkview, Concepcion St., Ermita.

Sa report ni Det. Milbert Balinggan ng Manila Police District -Homicide Section, dakong 11:20 ng gabi nang naganap ang insidente.

Ayon kay Al John Arago, 21, kasamahan ng biktima, dakong 9:00 ng gabi nang dumating ang biktima sa kanilang barracks, nagpabili ng gin at softdrinks.

Nagyayang  makipag-inuman ang biktima, kasama ang mga katrabaho na sina Kenneth Nocor, Jimmy Gambal at Orlan Baldos.

Sa harap ng inuman, idinaing ng biktima ang kanyang problema sa ka-live in na planong humiwalay sa kanya.

Nang paubos na ang kanilang inumin, kinuha ng biktima ang kanyang cellphone at isinanla sa halagang P200 kay Orlan at nagyayang mag-beer house .

Pagkaubos ng dalawang mucho, nagbalikan na ang mga magkakasama sa kanilang barracks para matulog.

Dakong 11:20 ng gabi, ginising ni Arago ang mga kasamahan at ibinalitang nalaglag mula 19th floor at bumagsak  sa hinuhukay na kanal si Henry.

Nakalagak ang  bangkay ng biktima sa Nathan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

(BRIAN GEM BILASANO)

About hataw tabloid

Check Also

Garahe nasunog BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

Garahe nasunog
7 BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

HATAW News Team PITONG BUS ang natupok habang sugatan ang isang mekaniko nang sumiklab ang …

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *