Friday , January 10 2025

Kapalaran ni Cudia ‘sagot’ ni Bautista

031714 pnoy pma mista
HINDI ipinasama ni Pangulong Benigno Aquino III si Cadet Aldrin Jeff Cudia sa graduation ng Philippine Military Aca-demy (PMA) Siklab Diwa Class of 2014 sa Fort Gregorio H. Del Pilar, Baguio City kahapon at pinasaringan naman ang mga bagong kawal na dapat panindigan at isabuhay ang Honor Code ng institusyon. Si Cudia ay sinabing pinatalsik sa akademiya bunsod ng sinasabing paglabag sa Honor Code. INIHAGIS ng 222 graduates ng Philippine Military Academy Siklab Diwa Class of 2014 ang kanilang ‘chaku’ caps sa graduation rites na ginanap sa Fort Gregorio del Pilar, Baguio City kahapon. (JACK BURGOS)

Ipinaubaya ni Pangulong Noynoy Aquino kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Emmanuel Bautista ang pagdesisyon sa apela ni Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia na maka-graduate sa Philippine Military Academy (PMA).

Pinulong ni PNoy sa loob ng mahigit dalawang oras si Cudia, mga magulang nito at kapatid na babae sa The Mansion sa Baguio.

Ani Defense Secretary Voltaire Gazmin, inatasan ng commander-in-chief si Bautista na pag-aralan ang apela ni Cudia.

Pumayag din aniya si Cudia na hindi sasama sa martsa ng mga magsisitapos sa PMA kahapon, at inatasan ang sinibak na kadete na gawing pormal ang kanyang apela.

Pahayag ng kalihim: “It was agreed that Cdt 1Cl Cudia will not graduate, without prejudice to whatever will be the result of their new appeal, which is now elevated to the CSAFP whom the President directed to investigate.”

Tiniyak ni Gazmin na mabibigyan ng pagkakataon si Cudia na maipaliwanag ang kanyang panig.

Pasaring kay Cudia?
HONOR CODE ISABUHAY SA LABAS  NG PMA – PNOY

BAGUIO CITY – Hinamon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga bagong kawal na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class of 2014 na panindigan sa labas ng akademiya ang isinabuhay na Honor Code sa institusyon.

Sinabi ni Pangulong Aquino, kung bawal ang magsinungaling sa PMA, dapat ay iwasan din ang pagsasamantala at pang-aabuso sa mga transaksyon sa militar.

Ayon pa kay Pangulong Aquino, kung bawal ang pandaraya, dapat iwasan ang panlilinlang sa procument process sa mga kagamitan at kung pinaparusahan ang pangungupit, dapat tumulong sila sa pagpapanagot sa mga nagnanakaw sa pera ng bayan.

Naging mainit ang palakpakan ng mga kadete at mga guest sa pahayag na ito ni Pangulong Aquino makaraan maging kontrobersyal ang pagkakatanggal kay Cadel Aldrin Jeff Cudia sa PMA na kasama sana sa mga magmamartsa dahil sa paglabag sa kanilang Honor Code.

(ROSE NOVENARIO)

CUDIA ‘DI PINASAMA NI PNOY  SA GRADUATION

INIHAYAG ni Defense Sec. Voltaire Gazmin, nalungkot ang pamilya Cudia ngunit natanggap ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi pasamahin sa graduation ng Philippine Military Academy (PMA) si Cadet Aldrin Jeff Cudia.

Gayonman, makaaasa aniya ang kampo ni Cudia ng magiging patas na review at pag-iimbestiga sa mga apela kaugnay ng pagkakatanggal sa PMA dahil sa sinasabing paglabag sa Honor Code ng institusyon.

Nauna rito, nakausap ni Pangulong Aquino ang mga magulang ni Cudia at nagdesisyong huwag isama ang kadete sa pagtatapos na PMA cadets kahapon.

Ani Gazmin, mismong si Pangulong Aquino sa kanilang pulong kamakalawa ng gabi, ang nag-atas ng masusing review sa kaso ni Cudia.

Dagdag ni Gazmin, ang desisyon ni Pangulong Aquino na hindi isali si Cudia sa magmamartsa kahapon ay walang epekto sa takbo ng review.

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *