Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA7, bilib sa ganda ng Ikaw Lamang

ni  Reggee Bonoan

NAKATUTUWANG  pakinggan ateng Maricris dahil mismong mga empleado ng GMA 7 at mga publicist nila kasama pa ang taga-production ang pumupuri sa lahat ng programa ng Dreamscape Entertainment  dahil kakaiba raw.

Say mismo ng isa sa pinagkakatiwalaang scriptwriter sa GMA ang nagsabing, “uy, ang galing ng mga bata sa ‘Ikaw Lamang’, nakakabilib ‘no?  Ang galing talaga ng ABS mag-discover ng mga batang artista,” na sinagot namin ng, ‘dumaan din po sa workshop ang lahat ng artista ng Dos, hindi lang basta na-discover, bonus na lang na may mga hitsura sila.’

Mabilis na sagot sa amin, “oo nga, ang gagaling talaga, lalo na ‘yung Zaijian (Jaranilla), ang galing-galing.  Sana magtuloy-tuloy siya.”

Say naman ng empleadong naka-tsikahan namin sa Siyete, “kami nga sa bahay, ‘Ikaw Lamang’ at ‘Honesto’ pinapanood namin kasi may values lalo na sa mga pamangkin ko na bata, eh.”

At galing naman mismo sa ilang publicists ng GMA, “in fairness ha, naka-isa na naman ang ABS sa ‘Ikaw Lamang’, sana hindi lumaylay ang istorya.  Naku, may ‘Dyesebel’ pa pala next week, kaloka!”

Anyway, mukhang tuluyan ng malulunod ang Kambal Sirena ng GMA dahil sa halos kalahati ang lamang ng Honesto sa rating games na nagtala ng 35.5% ang huli at 16.2% naman ang una

Samantalang ang Ikaw Lamang ay nakakuha ng 30.6% kompara sa Carmela na 16.8% base sa National Kantar  noong Huwebes, Marso 13.

Heto ang nakatatawa, mahigpit na naglalaban-laban sa ratings game ang ABS-CBN at GMA 7 samantalang ang TV5 ay deadma basta ang pinagbabasehan daw nila ay ang magandang feedback ng mga programa nila lalo na ang Confessions of A Torpe na maski isang digit lang ang rating ay masayang-masaya na ang mga taga-Singko.

Oo nga, bakit nga ba kasi nauso ang ratings-game?  Noong araw naman ay walang mga ganyan-ganyan, ‘pag sinabing action, Combat ni Vic Murrow ang panonoorin, ‘pag kantahan, Superstar ni Nora Aunor/German Moreno, ’pag sitcom/comedy Chicks to Chicks at John En Marsha, ’pag sayawan, Vilma in Person o Love-liness at ano pa ba ‘yung mga usong serye ateng Maricris? (Kakaunti ‘pa lang kaso noon ang mga palabas, ‘di tulas ngayon marami kang pagpipiliian—ED)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …