ni Pilar Mateo
PINASAYA ng tropa ni katotong Jobert (Sucaldito) ang mga constituent ng naging controversial na si Mayor Tony Halili sa Tanauan, Batangas nang dalhin ng kolumnista at host ng Mismo sa DZMM ang beauty queen na si Melanie Marquez, ang mahusay na aktor na siPatrick Garcia, ang beauty guru na si Dra. Vicky Belo, at ang tagapagpalaganap ng lahat ng kanyang Belo products na anak niyang si Cristalle sa 1st Parade of Lights sa nasabing lugar in lieu of their Foundation Day!
Nagkaroon kami ng kapirot na tsikahan with the good Mayor dahil na rin sa pagkuwestiyon ng ilang samahan sa nangyari nang mahuli ang isang magnanakaw na ibinalandra sa taumbayan para huwag pamarisan.
Sabi naman ni Mayor Halili, ”Wala naman akong nakitang nilabag sa nasabing pangyayari. Dahil sa ating tradisyon, masasabing makailang beses nang nangyari ang ganitong pagkakataon. Maski na itanong ninyo ngayon sa taumbayan dito, ako ay kanila pa ring sinusuportahan. At ang taong nakagawa ng nasabing kasalanan eh, nai-dokumento naman ang paghingi ng patawad. Ang lahat ng magnanakaw, kapag naglulumuhod na ‘yan sa harap mo, wala silang pagkakasala at mababait sila. Ginawa langpo namin ang sa amin eh, tamang paraan.”
Sa pamamagitan ng mga Rotarian sa nasabing bayan, sumaya ang mga tao sa pagja-judge ng mga naanyayahang personalidad sa nasabing okasyon.
At sa ilang pagkakataon, nagkaroon ng oras para makatsikahan ang dalaga ni Dra. Belo na si Cristalle na makailang beses na nali-link sa aktor na si Derek Ramsay, dahil madalas nga silang nag-a-out-of-town.
“We’ve been good friends for a long time na. Ang boyfriend ko is non-showbiz and he’s Italian. Gaya ko, business-minded also. I don’t have that much time nga to entertain a lovelife. One time nasa isang lugar ako, the next nasa isa na naman. And part of that is for humanitarian reasons. Nagugulat na lang si Mama, minsan three days akong nasa remote area, the next time you know it, nasa US na ako meeting with mga business people para sa aming Belo and Flawless products.”
And speaking of projects nga, that afternoon kaka-launch lang nila ng isang book for health and wellness na ang modelo eh, ang pamangkin kong si Edward Mendez. Biniro ko nga si Cristalle na bigyan ako ng book.
Melanie’s booboos and bloopers book, ilulunsad na!
Bago bumalik ng Maynila, nakasama naman namin sa isang late dinner si Melanie. Na kinompirma ang paglalabas ng kanyang Melanisms or her book on her booboos and bloopers.
“Actually, my husband (Adam) was so against it. Sabi niya, why do I need to do that daw. Parang ipinahihiya ko lang ang sarili ko. Sabi ko naman, doon nga rin ako nakilala ng mga tao and that’s where I will be remembered also apart from my being a model and beauty queen. I explained it naman kaya okay na rin. I am just so thankful nga for my new lease on life sa pagkakaligtas ko sa aksidente na nangyari sa amin in Las Vegas. Siguro, may angels talaga na nagligtas sa akin. Feeling ko that time, naka-angat ang mga paa ko pero lumalakad ako from the site of the accident kaya nakahingi kami ng tulong.”
Hindi pa nga natatapos ang gabi, marami na namang pasabog si Melanie. Noong ihatid ko ito sa sasakyan ni Jobert, ipinaki na i-DECLINE ang seat sa harap sa driver bago ikabit ang brace niya. O, ‘di ba?
Natuwa ang tropa sa event na ‘yun in Tanauan. Sabi nga ni Mayor at ng mga Rotarian, mangyayari na raw ito taon-taon. At siguradong ang pumaradang 27 floats eh, darami pa.