Friday , January 10 2025

ALAM national chairman Jerry Yap, alay sa maliliit ang “Darling of The Press” award mula sa PMPC

ni  Peter Ledesma

Never inisip o ini-expect ng aming bossing-friend at ALAM national chairman Jerry Yap na isang araw ay mapapasama pala ang pangalan niya bilang nominado para sa “Darling of the Press” ng PMPC Star Awards for Movies. Basta tulong nang tulong lang siya sa alam niyang nangangailangan at kabilang na sa mga taong lumalapit kay Sir Jerry ay mula sa media

kasama na ang entertainment press. Ilan na sa mga beteranong movie reporter na nagkasakit at naospital ang kanyang sinuportahan.

Pero hangga’t maaari ayaw ng mabait at generous naming boss na ipaalam pa ang ginagawa niyang charity sa kapwa. Ayaw niya ng may camera kapag siya ay nagbibigay ng tulong. Nakita n’yo naman kahit na ‘yung malaking halaga ng cash na donasyon niya para sa Yolanda victims hindi niya ipinag-ingay. Pero dahil nakita nga ng members at officers ng Philippine Movie Press Club ang kanyang sinseridad sa pagtulong, ngayong taon sa kanilang 30th Star Awards for Movies ay isinama na nila si Sir Jerry sa mga nominado para sa “Darling of the Press.” Sa lahat at sa mga naunang nominated at winners rito ay walang komontra sa panalo ni JSY, kasi naman sobrang deserving siya sa nasabing parangal.

Isa kami sa natutuwa, dahil sabi nga namin kapag hindi siya ang nagwagi, kahit mag-isa lang kami, ay magpoprotesta ang inyong kolumnista sa PMPC kapag hindi si Sir Jerry Yap ang nanalo. Pareho kong mahal ang mga artistang kapwa niya nominado sa kategoryang ito pero kami na mismo ang nagsasabi na hindi nila matatalo ang kabaitan at pagiging Good Samaritan ng isa tunay na kaibigan namin sa industriya at likod ng kamera.

Ang award ni Sir Jerry, ay alay niya especially sa maliliit na tao sa lipunan na madalas nakatitikim ng pang-aapi sa  mga nakatataas.

Tunay na anak ng Diyos gyud!

DASURI CHOI NG SOUTH KOREA,WAGING “YOU’RE MY FOREIGNAY” BB. MINDANAO SA EAT BULAGA

Filipinia ang motif ng Weekly Grand Finals noong Sabado sa Eat Bulaga. Lahat ng wardrobe mula sa talent portion at sa mga gown ng 6 weekly grand finalists ay gawa ng pamosong designer na si Edwin Uy. Sa totoo lang, sa sobrang galing ng finalists na Pinay na Pinay ang mga dating kahit na 100% dugong banyaga, nahirapan talaga ang judges na kinabibilangan nina Ms. Shirley Halili-Cruz, Ivan Mayrina, Georgina Wilson, Ryan Moore at Melanie Marquez kung sino ang best choice nila para maging winner at tanghaling “You’re My Foreignay” Bb. Mindanao. Very deserving naman talaga ang kanilang napili na si Dasuri Choi mula sa South Korea. Hanep ang talent na ipinakita ni Dasuri na nag-cultural dance hango sa pamosong sayaw na Binasuan na nagmula sa Pangasinan. Sa talasalitaan na naglalambing at dramatized version ng Critically acclaimed na Sister Stela L movie ni Gov. Vilma Santos noong 1984, buong ningning na nai-deliver ni Dasuri na very Pinoy ang dating kaya naman among finalists ay siya talaga ang nag-stand out.

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *