Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, nag-e-enjoy sa rami ng mga sireno sa Dyesebel

ni  Reggee Bonoan

“KAPAG si Ai Ai delas Alas talaga ang humirit, sasakit ang tiyan mo sa katatawa”, ito ang say ng mga katotong dumalo sa grand presscon ng Dyesebel noong Huwebes ng gabi.

Natanong kasi ang komedyana kung nag-enjoy siya sa taping ng Dyesebel lalo’t kasama ang mga sireno.

Nakatawang sagot ni Ai Ai, “nagkalat ang mga jun-jun, masasaya ang mga direktora, mainit ang ulo kapag wala na ang mga sireno, masarap mag-taping, nagkalat silang lahat.

“Ang saya-saya kaya kapag umuuwi ang mga sireno, mga direktora, nagagalit, ‘wala na mga sireno?’

“Ako rin nagagalit,‘yung iba, maliliit (junj-un), ‘yung iba malalaki talaga, parang mga kabibe talaga, sarap ng mga kabibe, bongga.”

Sabay dagdag, “O ang saya-saya ‘di ba ‘pag bastusan? ‘Yun lang naman kaya ako tinanong n’yo?”

Samantala, tinanong ni Manay Ethel Ramos kung bakit tinaanggap ni Ai Ai ang Dyesebel gayung hindi siya reyna sa serye kahit isa na siyang ‘queen’ sa comedy at concert.

“Oo nga po, eh,nararamdaman ko na hindi na. Kasi alam n’yo naman ‘yung kontrata ko, guaranteed, so kung may work at wala, eh, sumusuweldo ako, so kailangan kong mag-work, kasi hindi naman sila (ABS-CBN management) ganoon kabait, eh.

“Kaya nag-work ako, rito (Dyesebel) ako nilagay, eh, sundalo lang po ako, sumusunod sa utos,” pagtatapat ng nag-iisang comedy queen.

Samantala, bukod kay Ai Ai ay kasama rin sina Sam Milby, Gerald Anderson, Albert Martinez, si Dawn Zulueta,  Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Bodie Cruz, Markki Stroem, Erin Ocampo, David Chua, Neil Coleta, Young JV, Bangs Garcia, Nico Antonio, katotong Ogie Diaz, Andi  Eigenmann, at Anne Curtis bilang si Dyesebel na mapapanood na sa Lunes, Marso 17 kapalit ng Honesto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …