Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 NPA, 2 sundalo patay sa North Cotabato encounter

KIDAPAWAN CITY – Patay ang limang miyembro ng New People’s Army at dalawang sundalo sa sagupaan dakong 10 a.m. kahapon sa lalawigan ng North Cotabato.

Ayon kay Captain Ernest Carolina, Spokesman ng 10th Infantry Division Philippine Army, tinutugis ng mga tauhan ng 1002nd Brigade Phil. Army ang mga rebelde na sangkot sa pananalakay sa Matanao, Davao del Sur at tumakas sa Sitio Tinodos, Brgy. Manobisa, Magpet, North Cotabato.

Papalapit pa lamang ang mga sundalo sa kuta ng mga rebelde nang salubungin sila ng mga putok ng matataas na uri ng armas at landmine.

Dalawa agad sa mga sundalo ang namatay at ilan ang nasugatan sa enkwentro.

Ngunit gumanti nang todo ang 1002nd Brigade kaya lima sa mga rebelde ang binawian ng buhay at marami rin ang nasugatan sa kanilang panig.

(DANG GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …