ISANG news photographer ng pahayagang Remate at miyembro ng National Press Club (NPC) ang ‘nakatikim’ ng pananakot at pangha-harass mula sa isang barangay kagawad sa Paco, Maynila.
Si Crismon Heramis , 33 anyos, ay pinagbintangan umano ng barangay tanod na si Wilfredo Cepe na siyang nagpapatimbog sa mga illegal na peso-net at iba pang ilegal na gawain sa nasabing barangay.
Naiboto sa ika-10 pwesto bilang director ng Manila Police District (MPD) Press Corps, kamakailan, empleyado sa pahayagan ng mataas na opisyal ng National Press Club (NPC) ni hindi man lamang nagdalawang-isip ang nanapak na barangay kagawad para padapuin sa mukha ni Heramis ang kanyang palad at kamao.
Kung si Crismon na kilalang miyembro ng media ay nagawang saktan ni Cepe, paano pa kaya ‘yung pangkaniwang mamamayan!?
Sonabagan!!!
Manila Barangay Bureau chief, pwede bang kastiguhin mo ’yang si Cepe?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com