Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Honesto at Ikaw Lamang pinadapa ang kambal sirena at carmela sa rating

ni  Peter Ledesma

TINUTUKAN talaga ng milyon-milyong viewers, kagabi ang last night ng “Honesto.” Nitong Huwebes, nangyari ang enkuwentro ng mag-amang Gobernador Hugo (Joel Torre) at Diego (Paulo Avelino) dahil sa sobrang galit ng anak sa kasamaan ng amanag matuklasan na pati ang nobyang si Marie (Cristine Reyes) ay gustong ipapatay sa tauhan.

Naabutan ni Diego sa bahay si Marie na bugbog sarado. Sa tindi ng kanyang emosyon ay sasaksakin sana niya si Hugo pero dahil naisip niya na tatay niya ito ay ‘di niya itinuloy ang balak na pagpatay. Sa sagad-sagarang kasamaan, kinuha ni Hugo ang kamay ni Diego at saka ibinaon ang panaksak sa kanya na naging dahilan ng pagkaka-ospital niyang muli. Gusto kasi niyang palabasin sa mga tao na ang sariling anak ang sumaksak sa kanya. Napakademonyo talaga ni Gob dahil sa sobrang kasakiman sa yaman at kapangyarihan gusto ‘e paikutin ang lahat. Kahit nga ang inosenteng bata na si Honesto ay ginamit para magmukhang bayani sa lahat. Pero dahil hindi nagwawagi ang kasamaan sa kabutihan ay natapos rin ang kawalanghiyaan ni Hugo Layer. At si Diego masaya na sila ni Marie kapiling ng anak na si Honesto. Ang ina naman si Rosita (Gina Pareno) na matagal na nawalay sa kanya ay nasa tabi ni Hugo, dahil nais niya na mapabuti na ang anak. Mapayapa naman namaalam ang ina dahil sumuko ang anak sa batas at tanggap na pagbayaran ang mga kasalanang ginawa. Masaya naman ang kinilalang pamilya ni Honesto ang kanyang nanay na si Lourdes (Janice de Belen) ang kuyang si Elai (Joseph Marco) at lolong si Brgy. Chairman Lemuel Galang (Eddie Garcia). Nagtapos ang Honesto na hindi lang tumatak sa publiko kundi nag-iwan pa ng adbokasiya tungkol sa katapatan. Kaya naman pinagpala rin ang teleserye pagdating sa rating ng kanilang show. Noong March 13, Huwebes ay umabot sa 35.5%, kinabog nila nang husto ang katapat na Kambal Sirena sa GMA 7. Tinalo rin ng limang araw pa lang na umeereng Ikaw Lamang ng Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu with 30.6% rating ang Carmela ni Marian Rivera na 16.8% lang.

Ang mga nabanggit na ratings ay base sa survey ng Kantar Media: National Ratings isa lang ang ibig sabihin kapag maganda ang

materyal at de-kalidad ang isang palabas at produce ng Dreamscape Entertainment Television ni Sir Deo Endrinal ay susuportahan at panonoorin talaga ito.

‘Yun lang gyud!

MYNP NI BOY ABUNDA ALAY SA MGA NANAY AT MGA KAPUSPALAD

LALO pang nagiging pursigido si Kuya Boy Abunda sa kanyang itinayong foundation na Make Your Nanay Proud o MYNP.

Ito ang slogan ng mabait at matulunging King of Talk, ‘make your nanay proud of who you are and the best in all you do.’ Ang ideya ng adbokasiya ay galing sa kanyang hangarin na maipagmalaki siya ng kanyang Nanay Liseng na mahal na mahal niya at

Hangga’t may awa ang Diyos, ay ayaw niyang mawalay sa kanya. “Ginagawa ko ang isang bagay na sa aking palagay ay naaayon sa kung ano ang magiging reaksiyon ng aking ina. ‘Yan ang palaging gumagabay sa akin hanggang sa ano man ang narating ko ngayon,” say ni Kuya Boy.

Binuo ng globally famous TV host ang MYNP para maging organisasyon na magbibigay-pugay sa mga ina sa buong bansa. “Dahil lahat tayo ay anak ng ating ina. At noon tayo ay nasa sinapupunan pa ay nagkaroon agad tayo ng isang espesyal na ugnayan at pagmamahal sa ating ina bago pa natin nadama ang ibang pakikipag-ugnayan sa ating buhay.” Bilang founder at chairman ng MYNP, ito ang mahalagang mensahe ni Kuya Boy. At sa loob lang ng isang taon, simula nang umpisahan ang operasyon ng grupo ay nakapagbigay na ng tulong-pinansiyal sa livelihood projects sa iba’t ibang lugar. Binisita at binigyan din ng tulong ng MYNP ang kababaihang bilanggo sa ilang correctional facilities at nagpatayo ng mga silid-aralan.

Nang manalanta naman ang mga super typhoon na Pablo at Yolanda sa maraming buhay at ari-arian ay nanguna ang MYNP sa paghahatid ng ilang truck ng relief goods sa Visayas at Mindanao. Personal na tinutukan ito ni Kuya Boy at personal na nagtungo kasama ang BFF na si Kris Aquino sa mga nasabing lugar. Bukod dito, sa layuning mayakap ang bawat mamamayan at mas mapalawig pa ang adbokasiya ng MYNP ay nagsagawa ng dialogo sa iba’t ibang sektor kasama na ang ilang politiko at mga lider ng mga barangay, maging sa mga ordinaryong mamamayan. Ang foundation na ito ni Kuya Boy ang dapat suportahan ng mga nakaririwasa sa buhay dahil noon pa man ay tapat na ang Kapamilya host sa pagtulong sa kapwa.

Good Samaritan gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …