Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, pinakasikat na young male star (Kaya imposibleng may mas sikat pa sa kanya)

ni  Ed de Leon

NATAWA naman kami sa isang internet survey na nakita namin, ang survey question ay kung sino ang pinakasikat na young male star sa kasalukuyan, at doon ay kasama ang pangalan ni Daniel Padilla at iba pang mga masasabi nating mga “second stringer” lang naman. Ang nakatatawa, isang “second stringer” ang lumalabas na pinakasikat sa kanilang survey. Sino ang maniniwala?

Iyang mga survey na ginagawa sa pamamagitan ng internet ay ni hindi mo puwedeng pagbasehan. Una, ang isang taong may interest sa sina-survey ay maaaring bumoto nang paulit-ulit. Maaari rin niyang sabihan ang kanyang mga kaibigan na iboto ang gusto nilang palabasing malakas sa survey. Iyong mga partido na hindi naman interesado sa survey, iyon ang maiiwan.

Magandang example nga iyang survey na nakita namin. Sino ang maniniwala na iyong “second stringer” na nangunguna sa kanilang survey ay mas sikat kaysa kay Daniel Padilla? Kumita na ba ang pelikula niyon na kagaya ng kinita ng pelikula ni Daniel? Iyon bang ginawang album niyon na kung nakikita namin sa Astrovision eh mukhang kinakapitan na ng alikabok ay masasabi mong nabibili kagaya ng CD ni Daniel? Iyon bang concert niyon na hindi naman sa Araneta kundi sa mga hotoy-hotoy lang na venue ay masasabi mong tinao?

Tapos ngayon lalabas sa survey mas sikat siya kaysa kay Daniel Padilla? Hindi ba nakatatawa iyon?

Iyong huling pelikula ni Daniel ay hindi nga naging isang napakalaking hit, dahil siguro nga hindi iyon ang tamang project para sa kanya. Ang bida naman kasi roon ay ang tiyuhin niya at ang tatay niya. Parang unfair naman iyong sinasabing kailangan ang popularidad niya ang magdala ng pelikula. Siguro kahit na iyong fans ni Daniel, kung manood man ng pelikulang iyon, hindi na uulit matapos na mapanood nang minsan. Hindi kasi sila talaga ang audience ng mga ganoong klaseng pelikula. Gusto nila iyong kikiligin sila. Hindi sila kikiligin kung ang mapapanood nila ay puro patayan.

Pero alalahanin ninyo, pelikula lamang ni Daniel Padilla ang nakipagsabayan sa pelikula ng mas malalaking stars noong film festival. Iyong iba, hindi umubra.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …