Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtulong ni Heart kay Roldan Aquino, ayaw ipagka-ingay

ni   RONNIE CARRASCO III

NANINIWALA kami that a genuine act of charity is something na hindi inaanunsiyo ng isang taong nagpapamalas ng kawanggawa sa kanyang kapwa, much less getting it widely publicized for all the world to hear.

Follow-up ito sa aming item na nalathala rito tungkol sa palihim na planong pagtulong ni Heart Evangelista sa nakatrabaho niyang si Roldan Aquino in her now-defunct soap na Forever.

Ikinagulat kasi ng TV host-actress ang feature story ng Startalk sa batikang character actor who’s in dire need of financial help bunga ng life-threatening nitong karamdaman.

Secretly, nagtanong-tanong pala si Heart sa mga kapwa niya katrabaho sa Startalkkung paanong makokontak ang pamilya ni Roldan, as she relished a myriad of good memories habang nakasama niya ito sa nasabing soap ng GMA.

Nitong Sunday, nilapitan namin si Heart while waiting for her next segment inStartalk. Kinumusta namin kung nagpaabot na nga ba siya ng tulong sa mga kaanak ng dating co-star. ”Secret…” ang maintriga niyang sagot.

Pero dahil nakapalagayan na namin ng loob si Heart, no way could she evade our question. Without getting into details, she made true her promise na tutulungan niya si Roldan. ”Nagpapunta lang ako ng representative sa hospital where he’s confined,” aniya.

Hindi raw niya sinabi sa kanyang nobyong si Senator Chiz Escudero ang kanyang plano, but later on, she had to tell her boyfriend why she had a “mercenary” sent to extend her help.

As of this writing, nalaman namin mula sa iba naming source that so far, Roldan has incurred close to P2-M in hospital bills na hindi pa bayad.

From our source, “Sumailalim na siya sa brain surgery, pero he will have to undergo another one,” bagay na ikinababahala raw ng kanyang mga anak sa chances of survival ng kanilang ama.

Dagdag impormasyon pa ng aming source, sa laki raw ng mga gastusin sa pampaospital kay Roldan ay halos nakalbo na ang tahanan nito sa mga naibentang kasangkapan. ”Nakalulungkot na sa tagal ni Roldan sa showbiz, mismong ang mga anak na rin niya ang umaming walang naipon ang kanilang daddy,” sabi ng aming source.

Huwag na muna tayong magpokus sa kawanggawa ni Heart. We may sound sermonizing, pero magsilbi sanang aral ang kuwento ni Roldan Aquino sa napakaraming artista who should be prepared when the twilight in their career beckons.

Mike, nagtatago na?

KUMBAGAsa pautang, on easy installment terms ang pagpapakawala ng kampo ni Deniece Cornejo ng kanilang “human payment” sa patuloy na pagdinig sa DOJ.

Malinaw na ipina-subpoena ng naturang ahensiya ang dalawa pa sa mga sangkot sa pambubugbog kay Vhong Navarro na sina JP Calma at Jed Fernandez noong February 28. However, only JP showed up with his lawyer saying that the reason for her client’s delayed appearance ay dahil nito lang daw nila natanggap ang court summon.

Wala ang Jed sa naturang hearing to submit his counter affidavit. Thus, binansagang delaying tactics ng kampo ni Vhong ang non-appearance nito.

Bukod kina JP at Jed, isa pa rin—as of two weeks ago—sa mga pinapanagot ay isang nagngangalang Ferdinand Guerrero alias Mike (na obviously ay malayo sa kanyang real first name ang palayaw niya).

Of unknown address, efforts are still being exhausted by the DOJ para matunton ang kinaroonan ni Ferdinand a.k.a.  Mike. Such info ay tumangging ibigay ng kampo nina Deniece at Cedric Lee.

Again, kumbaga sa pautang ay mayroon na palang lead kung paanong masisingil sa kanyang atraso ang Ferdinand o Mike na ‘yon.

Umano, ang ABS-CBN reporter na si Marie Lozano na isa rin sa mga nag-interbyu kay Cedric  noong February 21 shares the same condo building with the said suspect at large.

Pero ang tanong: naroon pa ba ang Mike na ‘yon sa condo? Natural, nagsyogo na nang Vhonggang-vhongga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …