ni Reggee Bonoan
MARAMING nagtatanong kung nasaan na si Barbie Almalbis- Honasan ngayon dahil may mga supporter na gusto pa rin siyang mapanood sa concert scene.
Simula kasi nang mag-asawa ang rakistang singer na nagpasikat ng awiting Sa Ilog na theme song ng youth oriented show na Tabing Ilog at ang Close-Up jingle na Just A Smile ay hindi na siya masyadong napagkikita.
“That song, ‘Tabing Ilog’ was originally written in English but I never got to finish it. Later, when I was asked to write a song for the TV series, I thought of working on that unfinished song in my computer. It was my bandmate, Rommel dela Cruz from Barbie’s Cradle, who helped me translate it to Tagalog,” say ni Barbie nang banggiting sa awiting ito siya natatandaan.
“I do most of my work, writing songs and tinkering with my guitars at home.
“My husband is a painter so he does most of his work at home as well so we’re always with our kids,” dagdag pa ni Barbie sa ginanap na No Hope Lost campaign na sinuportahan ng GlaxoSmithKline.
Layunin ng adbokasiyang No Hope Lost na maiwasang magkasakit ng pneumonia at diarrhea ang mga sanggol na hindi kaagad nabibigyan ng bakuna bagay na sinang-ayunan ni Barbie dahil naranasan daw niya sa anak ito.
Hindi raw malaman ni Barbie at ng asawa niya ang gagawin nang magkaroon ng pneumonia ang tatlong taong gulang na anak na si Liam dahil nga since bantay-sarado naman nila ang dalawang anak (Stina, 6) ay hindi nila inakalang dadapuan ng sakit.
Nakahinga lang daw ng maluwag sina Barbie nang sabihin ng doktor na false alarm ang sakit ng anak at simula noon ay naging regular na ang check-up sa doktor.
Oo nga, kadalasan kasi kapag may sipon o sinat ay hindi masyadong pinapansin at sinasabing, ‘lagnat laki’ lang ‘yan. Dapat pala ay pinagtutuunan ito ng pansin.
Samantala, maski nasa bahay lang si Barbie ay nakagawa ito ng album na ire-release na sa susunod na buwan na pinagpaguran nila ng bandmates niyang sina Karel Honasan, Roger Alcantara, Alden Abaca and Franklin Benitez.
“We arrange all the songs together. I see myself as a songwriter but I’m not an arranger like my brother-in-law Karel, who can take a song to the next level and turn it into something wonderful,” say ni Mrs. Honasan.