Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jose, sinisi sa pagpapakamatay ng anak

ni  Ed de Leon

KATATAPOS lang ng problema ni Wally Bayola at kababalik lang sa Eat Bulaga, ngayon naman ang kanyang ka-tandem na si Jose Manalo ang mayroon na namang problema. Naglabasan na naman sa mga social networking sites, at sa kung saan-saang blogs na nag-suicide umano ang isang anak na babae ni Jose dahil iniwan at inabandona na niya ang mga iyon. Kasabay niyon sinabing iniwan na rin niya ang kanyang asawang si Annalyn dahil umano sa ibang babae.

Tapos pati na ang abogado ng kanyang asawa ay nagbigay na rin ng statement para sabihing totoo na nag-suicide ang kanyang anak dahil kay Jose.

Huwag naman tayong magpadalos-dalos sa mga ganyang issue. Iyan ang sinasabi namin diyan sa mga nasa social media eh. Bagamat naniniwala kami na mukhang mababawasan nga ang freedom of speech dahil sa cyber crime law na nagtatakda ng libel kahit na sa social media, hindi rin naman natin maikakaila na baka kailangan na nga natin iyon dahil baka naman madalas ay sumosobra na ang iba sa social media, kasi nga wala silang pananagutan whatsoever eh.

Kagaya nga niyang kuwentong iyan ni Jose, na pinalalabas nilang iniwan ang pamilya dahil may ibang babae. Duda kami sa kuwentong iyan. Kung natatandaan mo pa Tita Maricris, sa amin nagsimula ang kuwento tungkol sa mga naunang problema noon ni Jose, at kung bakit nawala rin siya sa Eat Bulaga ng ilang panahon. Nagkaroon noon ng patong-patong na demanda si Jose at ang kanyang asawa dahil sa isang grupo ng mga mag-aalahas na kung kanino nagkaroon ng malaking utang ang misis niya.

Mukhang doon nagsimula ang kanilang problema ng kanyang misis, dahil pagkatapos niyon ay nabalita nang nagkahiwalay na nga sila. In fairness, inayos ni Jose ang lahat ng mga problemang iyon, at ayon na rin sa aming sources marami pa roon ang unti-unti niyang binabayaran hanggang ngayon. Wala naman siyang choice eh, kasi asawa niya iyon at nadamay siya dahil sa ibang kaso ay tseke niya ang ipinambayad ng kanyang misis.

Ang sa amin lang, bago natin sisihin si Jose dahil sa tangkang suicide ng anak niya, pag-aralan muna nating mabuti kung ano nga ang dahilan at hindi iyong pagbibintangan na lang natin siyang inabandona ang kanyang pamilya dahil sa ibang babae.

Richard, kasama sa national volleyball team!

NAKASAMA na pala si Richard Gomez sa national volleyball team na lalaban sa isang international tournament na gagawin dito sa ating bansa. Sinasabi nga nila, si Goma ay naging kinatawan na ng Pilipinas sa apat na iba’t ibang sports bilang national athlete. Ngayon, sa kanyang edad, sinasabing siya ang pinaka-senior na national athlete, pero lumalaban pa rin sa performance at inaasahan pa rin siya ng kanyang team lalo na roon sa mga alam nilang mahihigpit na laban.

Eh kasi iyang si Goma naman, nasa ayos ang buhay niyan eh. Hindi kasi nagkaroon ng bisyo iyang si Goma. Talagang sa sports siya nalinya. Hindi kagaya ng iba ngayon na ang nababalitaan natin lasenggo, kung hindi naman tumitira pa ng “e” tapos napapa-away sa mga club.

Hindi sila gumaya kay Goma, malinis ang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …