NAAWA naman kami bigla sa kuwento ng isang kaibigan ukol sa ina ng isang magaling na aktres.
Paano ba naman, madalas daw nakikita ang ina ni aktres sa isang casino sa Metro Manila. Ipinagmamalaki pa raw nito na anak niya ang napakagaling na aktres.
Tila wala siyang kiyems kung nagpapakahirapa ng anak niya sa pagtatrabaho basta sige lang siya sa paglalaro. At hindi lang ‘yan, kasa-kasama pa raw nito lagi ang kanyang Papae.
Well, sana lang hindi maubos ng ina ang pinaghirapan ni aktres dahil lulong na lulong na raw talaga si mudra sa pagsusugal. (HNT)