Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Basta kusina, numero uno ang Pinoy!

NGAYONG Sabado, 9:00-10:00 a.m. tutok lang sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) dahil tampok ang Pinay Chef na umani ng tagumpay sa bansang Singapore. Narito na si Bettina Arguelles at  head chef ng Spiral Buffet sa Hotel Sofitel. Alamin kung ano-ano ang lutong binabalik-balikan sa nasabing hotel na dumaan sa mga kamay ni Chef Bettina.

Basta sa tinapay, ang pandesal pa rin ang pinakasikat sa mga Pinoy.  Bihira nga ang mga mesang walang nakahain nito sa almusal.

Sasamahan natin si Mader Ricky sa pagsisiyasat kung bakit pinipilahan ang laging mainit na pandesal sa Kamuning Bakeshop na isa sa pinakamatandang panaderia sa Quezon City.

Sa tourist belt naman na Ermita, Manila ay ang Mabuhay Restaurant ang kinakainan ng mga dumarating sa bansa tulad ng Hapon, Intsik, Amerikano, atbp.. Ayon sa mga ito’y walang kasing-sarap ang mga lutong Pinoy dito at kakaiba ang katahimikan sa lugar at ang mga staff ay magagalang at magaling.

Kung dahil sa rami ng kinai’y mahihirapan kayong dumumi, ang payo ni Mader RR ay ang pag-inom ng food supplement na Organique Acaiberry na bukod sa lumilinis ng mga toxic sa katawa’y nagpapaganda pa ng kutis.

Ang GRR TNT ay handog ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …