ni Ed de Leon
KAPAG hindi nag-click ang serye ng isang female star sa kabila ng katotohanang inagaw na niya ang role na kanyang ginawa sa paniwalang makatutulong iyon para maibalik ang dati niyang wholesome image matapos na kumalat ang kanyang pagiging lasengga at pagbabangag, ewan kung ano pa ang maaasahan niya sa buhay.
Ang maganda lang, at least alam niyang malaki na ang ibinagsak ng kanyang popularidad dahil na rin sa kanyang kagagahan.