Monday , December 23 2024

SMB vs TnT

PILIT na pananatilihing ng San Miguel Beer at Talk N Text na malinis ang kanilang record sa kanilang pagtutunggali sa  PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 8 pm sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ikalawang panalo naman sa tatlong laro ang pakay ng Air 21 at Barako Bull na magkikita sa unang laro sa ganap na 5:45 pm.

Ang Beermen, na ngayon ay nasa ilalim ni coach Biboy Ravanes, ay nagwagi kontra  Meralco (94-76) at Barangay Ginebra (112-106). Ang Tropang Texters ay nanaig laban sa defending champion Alaska Milk (85-72) at Air 21 (95-91).

Hindi na muna papalitan ng San Miguel Beer si Oscar Joshua Boone na nagpakitang gilas sa unang dalawang games. Magugunitang nagparating ng kapalit ang Beermen sa katauhan ni Kevin Jones.

Ang Beermen ay nagwagi  sa kabila ng pangyayaring hindi nakapaglaro ang lead center na si June Mar Fajardo na may foot injury.

Ang Talk N Text ay sumasandig kay  Richard Howell na bagama’t undersized ay isang masipag na rebounder.

Bago natalo sa Tropang Texters, sinimulan ng Express ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 83-78 panalo kontra Globalport.

Hawak ni coach Franz Pumaren, kinuha ng Air 21 bilang import si Herve Lamizana. Kabilang din sa main men ni Pumaren sina Pau Asi Taulava, Mark Cardona at Joseph Yeo.

Magpupugay sa Express si Aldrech Ramos na nakuha nila sa Alaska Milk kapalit ni Vic Manuel.

Matapos namang matalo sa overtime, 108-104 sa Barangay Ginebra ay nakabawi ang Barako Bull nang maungusan nito ang Philippine Cup runner-up Rain Or Shine, 110-106 noong Linggo.

Matindi ang import ng Barako Bull na si Joshua Dollard na sa dalawang games ay nag-average ng 44.5 puntos at 18.5 rebounds.

Katuwang ni Dollard sina  Willie Mller, Ronjay Buenafe, Mick Pennisi, Dorian Pena at Dennis Miranda.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *