Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Gomez, handa na ang shotgun para sa manliligaw ng anak

ni  Nonie V. Nicasio

NAGDADALAGA na ang unica hija nina Richard Gomez at Rep. Lucy Torresna si Juliana, kaya alisto na rin ang actor sa mga gustong dumiskarte sa anak.

Thirteen years old na ngayon si Juliana at aminado si Goma na may crush na ang kanyang anak. “Makikita mo kasi, like ‘yung sa mga magazines, ‘yung mga idinidikit na posters ng gaya ng One Direction. Iyon ang panahon ngayon e. Iyon ang kinalolokohan ng mga kabataan ngayon, One Direction.

“Kaya actually, ninenerbiyos na nga ako nang kaunti. Ninenerbiyos ako kasi, unang-una, bata pa siya. Siyempre, ayaw natin na ang anak natin ay mabola ng ibang lalaki, ‘di ba? Baka makakita ng lalaki na katulad ko, huwag muna,” pabirong saad ni Goma sabay banat ng halakhak.

Dahil ba sa kanyang pabling-image noon kaya nag-aalala siya kay Juliana ngayon?  “Hindi naman, pero dahil pabling ako rati, nararamdaman mo iyong mga nambobola, ‘di ba? Iyong style nila, alam ko. Aba siyempre, papunta pa lang sila, pabalik na ako! ‘Di ba?” Nakatawang sagot pa ni Richard.

Kapag daw may manliligaw na sa anak niya, kuwidaw sila dahil laging ready ang kanyang shotgun sa bahay. “Lagi ko namang nililinis ang shotgun ko e,” pabirong banat pa ni Goma.

Ipinahiwatig din ni Richard na ayaw pa niyang paligawan ang kanilang anak dahil kaka-thirteen lang nito. “Sa ngayon, bata pa siya, kaka-teenager pa lang niya e. Siguro kapag mga 17 or 18, puwede na siguro. Hindi naman natin maiiwasan iyon e.”

Ayon pa kay Richard, sumasabak na sa commercials si Juliana at mga modeling stint para sa Bench. Pero mas gusto raw niyang mag-aral muna ang anak bago niya isipin ang pag-aartista. “Siguro tapusin muna niya ang pag-aaral, walang problema iyon. Okey naman e, kaya lang kasi, kapag batang nag-artista, ang hirap e.

“Sa schedule ng mga artista, ang hirap makapag-aral, e. Kung gusto niya talaga, sasabihin ko sa kanya, ‘Tapusin mo muna ang pag-aaral mo.’”

Samantala, mapapanood ang muling pagtatambal sina Richard at Sharon Cuneta sa isang sitcom sa TV5 na pinamagatang My Pirated Family. Bukod dito, ang iba pang projects ni Goma ay ang pelikulang Sugo na gaganap siya bilang Felix Manalo, founder ng Iglesia Ni Cristo. Plus, nakatakda rin niyang gawin ang pelikulang The Trial ng Star Cinema. Makakasama niya rito sina Gretchen Barretto at John Lloyd Cruz sa ilalim ng direksiyon ni Chito Roño.

Mojak, talent na ni Ms. Jackie Dayoha

ANG talented na singer-comedian na si Mojak ay nasa ilalim na ng pangangalaga ng talent manager na si Ms. Jackie Dayoha. Kaya naman nakasisiguro ang dating sing-along master, stand-up comedian, at singer na mas magiging busy siya sa kaliwa’t kanang projects na ibibigay sa kanya ng manager niya.

Actually, may pelikula na ngayon si Mojak. Nagsimula na silang mag-shooting last March 13 ng pelikulang Ang Balwarte ng mga Engkanto. Pagbibidahan ito niCarlo Aquino at introducing dito si Tyrone Oneza na isa pa sa mga talent ni Ms. Jackie na humahataw nang todo ang showbiz career ngayon.

Bukod pa pelikula, plano rin ni Ms. Jackie na gawan ng album si Mojak. At dahil si Ms. Jackie ay isang businesswoman at producer din ng mga show sa Japan, Amerika at iba’t iba pang bansa, kasalukuyang inaayos na niya ang magiging show ni Mojak sa Japan.

Anyway, nang makahuntahan namin si Ms. Jackie thru Facebook, sinabi niyang bilib siya sa talent ng bago niyang alaga. “Magaling kasi si Mojak, nakikita ko ang potential niya. Talented siya, magaling magpatawa at mag-perform.”

Sa panig naman ni Mojak, nagkuwento siya ng kanyang mga pinagkaka-abalahan.

“Introducing po ako sa movie with Kuya Tyrone (Oneza), si Carlo Aquino po ang bida sa movie na ito. Ang role ko po rito, parang albularyo o faith healer.”

Nabanggit din ni Mojak ang kanyang TV show sa ISCENETV na ang title ayMojak On The Go na mapapanood tuwing Sabado mula 9 hanggang 10 ng umaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …