Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rajah, rumaratsada pa rin

ni  Roldan Castro

MARAMI na sa mga sexy star ang nangawala na sa sirkulasyon. Ang iba ay nagsipag-asawa na at karamihan ay tinalikuran na ang showbiz at ginawang pribado ang kani- kanilang buhay.

Pero ang sexy star na si Rajah Montero ay umaariba pa at rumaratsada pa rin sa paggawa ng pelikula. Hindi siya kumawala sa showbiz dahil sabi nga niya, bata pa lang siya ay gusto na niyang mag-artista.

Sangkaterbang sexy movies ang nagawa na niya at pati sa indie films ay sumabak na rin. Sa kanyang pinakabagong proyekto, marami ang nagtaasan ng kilay dahil nabawasan na ang paglaladlad ng kanyang katawan sa pelikula at ito ay sa pamamagitan ng Kamandag ni Venus na handog ng Etnikolour Entertainment Production at RJM Films.

Ang pelikula ay idinirehe nina Zaldy Munda at Carlo Montero. Sa nabanggit na pelikula, maaaring hindi makikita ang kahubdan ni Rajah pero masisilip pa rin ang kaseksihan. Masaya siya sa bagong kaganapang ito sa kanyang karera. Natutuwa siya at siya ang pinagkatiwalaan ng mga producer na gumanap sa pelikula.

Ang Kamandag ni Venus ay mapapanood na sa mga sinehan. Kasama sa pelikula ni Rajah sina Sharmaine Arnaiz,  Rob Sy, Francis Enriquez, Leandro Baldemor, Jao Mapa, Danny Labra, at Candy Belazo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …