MARAHIL maraming hindi nakababatid na sa Bureau of Customs may isang bagong likhang opisina sa pamamagitan ng Department of Finance at ito ay tinatawag na Customs Policy Research Office or CPRO.
Dito itinapon ang may 50 matataas na official ng KUSTOMS, lalo na iyong mga district collector ng major collection ports.
May apat na buwan nang nakatatag ito at everyday mandadong mag-report sa CPRO sa Finance Department sa umaga at 3 o’ clock hanggang 5 pm kada araw. Ang trabaho daw nila ay gumawa kuno ng research para sa bagong operations ng bureau. Pero ang tila ngbubutas lang sila ng mga silya roon.
May observation din ang mga nasa CPRO na halos diminution ng kanilang rango at ito ay kahalintulad lang ng clerk kahit halos silang lahat ay career officials at may mga security of tenure na guaranteed by the Civil Service Commission.
Itong BIR at Burerau of Customs ay sister agencies. Tingnan na lang ang paid advertisement ni Commissioner Henares na umuupak sa umano’y mga mandarayang doctor kahit pa kakaunti lang.
Marahil tuloy pa rin ang sweldo ng mga nasa CPRO kahit ang kanilang original assignments ay ibinigay na sa mga bagitong taga-D0F at private sector na ngayon ay nakaupo bilang acting or interim collector or service chief. Ito kasi ay sa pamamagitan ng memorandum ng D0F Secretary Purisima na return to mother unit para ipalit sa kanila ay mga bagitong opisyales na walang experience sa assessment, atbp.
Sinabi na ng ilan lawmaker na ito ay ilegal at unconstitutional pero deadma lang sina Secretary Purisima. Kung nagagawa nila ito sa BIR, mas lalong madaling gawin sa Customs lalo na ng maraming mantsa ang mga kamay.
Matagal na panahon din ang iginugol ng mga nasa CPRO sila man ay fulltime port collector o division head. Ang pagtaas nila ng puwesto ay sa pamamahitan ng promotional ladder or hagdan na kukuha sila ng competitive test at maghahain ng kanilang mga accomplishment. Ang layo sa mga nakaupo sa kasaluyang sa customs.
Sila ay ni hindi civil service eligible dahil galing sila sa private sector at military (marami sa kanila bilang port collector or hepe ng customs police or intelligence service) Ang mga pinaliotan na marahil ay pinaghihinalaan na ma kurakot at kasabwat kuno ng mga smuggler na may mga credential. Pansamantala muna silang gagarahe sa CPRO at kung minamalas-malas baka hanggang matapos ang termino ni Pinoy sa 20l6.
Lubhang ipinatutupad ni Commissioner John Philip Sevilla ng mga utos tulad ng pagsuspendi sa maraming broker, kasama na ang humahawak ng shipment ng San Miguel Corporation at Globe. Ipinakita nila kay Sevilla kung bakit mali ang pagsuspendi sa kanila dahil tumutupad naman sila sa mga memo niya at bayad naman sila ng tamang buwis.Tingnan natin kung babaliin ni Sevilla ang kanyang utos.
Tinututulan din ng mga broker at importer ang isa pang kautusan ni Purisima na sa BIR na sila kukuha ng Clearance para sa kanilang import clearance certificate. Hindi na customs ang mag-iisyu ng Accreditation. Kung walang BIR go signal, walang importation. Lalabanan ito ng mga abogado ng broker.
According to stakeholders, para raw isang pagtatakip sa kapalpakan ng B0C sa pagpapatupad nito ng memorandum, lalong-lalo na ang revenue collection na inaantok. Parang anemic.
Arnold Atadero