Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melanie, Belo, at Patrick, nag-enjoy sa Parade of Lights

ni  Maricris Valdez Nicasio

NAKAKA-PROUD na naging matagumpay ang proyekto ng mga Taga-Tanauan, ang first Parade of Lights na isinagawa noong Marso 8, Sabado na lumahok ang 29 well-lighted floats na nag-represents sa iba’t ibang negosyo ng lalawigan mula sa imbitasyo ni Mayor Tony Halili.

Bagamat napakatagal ng parada (dahil sa rami), nakita naman naming nag-enjoy ang mga huradong sina Melanie Marquez, Dra. Vicki Belo, Patrick Garcia, at DZMM anchor Jobert Sucaldito. Hindi lang kasi sa naggagandahang float sila nag-enjoy kundi maging sa napaka-warm na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Tanauan.

Bale first time ginawa ng mga taga-Tanauan ang Parade of Lights na pinangunahan ngRotary of Tanauan na may sarili ring float kasama ng Knights of Columbus. Ika-13 taong anibersaryo na kasi nila kaya naman itong proyektong ito ang kanilang naisip.

Bawat float ay kitang-kita na pinaghirapan at pinaghandaang mabuti. Ilan sa mga naggagandahang float na nakita naming ay ang Yazaki Torres Engine Technology,The Park Café and Grill, Panadera  , Sapphire International Aviation Center,Airport Shuttle Service,  at ang Safety First. Bawat float ay mayroon ding mga sayaw na tunay namang nakaaaliw.

Pagod man at gutom, kita namin ang kaligayahan sa bawat taga-Tanauan.

Binabati namin si Mayor Halili sa tagumpay ng proyektong ito sa pakikipagtulungan din siyempre ng Sports Development Council na pinamumunuan ni dating Tanauan City Rotary Club District Governor Tato Dimayuga. Mabuhay ang mga taga-Tanauan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …