Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, ayaw daw patulan si Heart (Pero panay naman ang parinig)

ni Alex Brosas

AYAW daw patulan ni Marian Rivera ang sinasabing subtle na pagtataray sa kanya ni Heart Evangelista pero hindi rin nakatiis ang hitad at nagpakawala ng one liner.

Nang kulitin kasi siya ng kanyang fans sa Instagram ay hindi rin nakatiis ang dyowa niDingdong Dantes at nagtaray na rin.

“Happy talaga ako ngayon sa buhay ko. Hindi lang ako happy sa boyfriend ko kundi maganda pa ang relationship ko sa parents ko.”

‘Yan ang makahulugang sabi ni Marianita.

Aware na aware si Marian na war si Heart sa kanyang mother kaya naman doon niya ito dinale.

Yan ba ang walang panahon para patulan si Heart? Magtigil ka nga, ‘no.

Ang nakakaloka pa, biglang kambiyo ang loka when she said, “Ang ganda ng pasok ng taon sa ’kin with so many projects, endorsements, so I just want to remain positive. Ayoko ng pumatol sa ganyan.”

What? Eh, nagpatutsada ka na tapos sasabihin mong ayaw mong pumatol. Nagpapatawa ka ba, Marianita?

Kung maganda ang pasok sa ‘yo ng taon, well and good. Kung mayroon kang projects and endorsements ay ganoon din naman si Heart. Actually, mas maraming endorsements sa ‘yo si Heart, karamihan ay TV commercials. Ikaw ba, mayroon ka bang commercial na umeere ngayon? Parang wala kaming napapanood, ha. Si Heart, sandamakmak ang commercial.

Vice, deserved maging Best Actor

MAYROONG Facebook fan page na hindi naniniwalang dapat nanalo si Vice Ganda ng Best Actor sa katatapos na Star Awards for Movie.

Kinabog ni Vice ang magagaling na performances nina Laguna Governor ER Ejecrito (Shoot To Kill: Boy Golden),  Dingdong Dantes (Dance Of The Steel Bars), Robin Padilla (10000 Hours), Piolo Pascual (On The Job), at Joel Torre (On The Job).

No offense meant sa fan page na ‘yon, ha, pero deserving naman si Vice na magwagi. Unang-una, four characters ang kanyang ginampanan, so roon pa lang ay talagang mahirap na ang challenge sa kanya. In fairness, napanood namin ang movie and Vice Ganda delivered a fine performance. Nag-effort siya para maiba ang character niya sa bawa’t isa.

Tina, balik ‘Pinas na!

NARITO na muli si Tina Paner, sikat na sikat noong young star. Makulay ang naging buhay niya lalo na nang masulat ang kanyang pagiging ampon.

Si Tina ang isa sa pinakasikat na adopted child sa showbiz. Inampon siya ni tita Daisy Romualdez, utang niya ang lahat ng nasa kanya ngayon dahil sa feisty mom and manager niya.

Sa Cornered by Cristy ni tita Cristy Fermin sa Showbiz Police, Monday to Friday, 4:00 p.m.,TV5 ay matutunghayan ng manonood ang makulay na buhay-artista ni Tina, ang kanyang love life, mga pinagdaanan sa buhay, success and failures.

Malaki ang pasasalamat ni Tina kay tita Daisy dahil lahat ng kanyang laban sa buhay ay kasama niya ito. Nagkahiwalay man sila temporarily, nagkaroon naman ng chance ang dalawa na magkabati muli.

Mananatili na for good si Tina sa Pilipinas matapos manirahan sa Spain kasama ang kanyang pamilya. Sila ni Shane ay dito na mananatili sa Pilipinas dahil iba pa rin daw ang Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …