Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maligayang Kaarawan Dulce Quiambao

PANGAKO ng kampo ni Manny Pacquiao—muling ibabalik ng tinaguriang Pambansang Kamao ang dating bagsik ng kamao.   At sa magiging laban niya kay Timothy Bradley—NO MERCY!

Ang ibig sabihin ay ibabalik ni Pacman ang dating killer instinct at aalisin na niya ang awa sa kamao para patahimikin si Bradley.

Okey ang statement na iyon.   Nakakatakot kung maririnig ng kampo ni Bradley.   Pero ang tanong ngayon ay hindi ba nananakot lang ang kampo ni Pacman?

At ang isang malaking katanungan ay kung taglay pa nga ba ni Pacquiao ang dating bagsik ng kamao?

Wala tayong duda sa bilis at diskarte ni Pacquiao sa ring.   Medyo kaunti lang ang  nabawas sa dating gilas niya sa ring nang humarap siya kay Bam Bam Rios noong nakaraang taon.

Ang problema lang—hindi niya napatulog si Rios kahit pa nga dumating ang mga pagkakataon para tapusin ang kalaban.

Iyon ngayon ang batayan ni Bradley.   Tingin niya, nawala na nga ang sting sa kamao ni Pacquiao at mapapalaban siya ngayon ng husto sa dating tumalo  sa kanya sa isang kontrobersiyal na desisyon.

Sa ngayon, ang misyon ni Freddie Roach ay ibalik si Pacquiao sa dating pagiging gladiator na walang awa sa kalaban sa ring.

At para magkaroon ng realisasyon iyon, kinuha nila ang dating conditioning coach na si Justin Fortune.

Sa tingin ni Roach, klik muli ang tambalan nina Pacman at Fortune.   Dahil sa unang araw pa lang ng sparring ni Manny sa Wild Card Gym—pinadugo na agad nito ang ilong ng isa sa kanyang sparring partners.

OoO

Binabati natin ng isang masayang kaarawan si Dulce Quiambao na magseselebra ngayong March 14.  Ang pagbati ay nanggaling kina Mr. & Mrs. BAdo Dino at ng Batch 57 ng Torres High School, Manila.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …