Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, pinaghahandaan na ang pagpapakasal nila ni Angel

ni  Reggee Bonoan

MALAPIT nang maging Mrs Luis Manzano si Angel Locsin, ito ang laman ng panayam ng TV host/actor sa Aquino-Abunda Tonight noong Miyerkoles.

Sabi ni Kris Aquino sa programa na sa pagbabalikan nina Angel at Luis ay sa kasalan na rin naman ito patungo.

At pinatotohanan na rin ito ni Luis dahil ‘ninang’ ang tawag niya sa Queen of all Media.

Binanggit pa ni Kris na pinag-usapan nila ni Luis ang tungkol sa engagement ring.

“Nagulat ako, ganoon pala kamahal ngayon ng singsing, kaya plano ko sa Adoracion Chapel na lang magpakasal para makatipid,”  tumawang sabi ng binata.

At mamimili na lang kung anong petsa magpo-propose si Luis kay Angel dahil nang tanungin ni Kris kung kailan ang kaarawan ng dalawa ay kaagad sumagot ang binata ng, “she’s April 21ako 23rd” at sabay sabi ng Queen of All Media ng, ”so, alam na.”

Kinukulit ni Kris kung ano talaga ang plano ni Luis, “whatever plans, my fiancée would be the first one to know.”

Ikinuwento rin ni Kris sa publiko na napag-usapan din nila ni Luis ang plano ng binata kay Angel na hindi niya ito pagta-trabahuhin.

May options daw si Angel na kung gusto pa rin nitong magtrabaho o hindi na dahil ang katwiran ng future husband niya ay gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang aktres na gagawin nito ang gusto niyang gawin na hindi niya masyadong nagawa noong dalaga siya dahil halos 24/7 siyang nagtatrabaho para sa pamilya niya.

Say ni Luis, “gusto ko, ako ang magtatrabaho para sa kanya, gusto kong ipadama sa kanya ang gaan ng buhay.”

At dahil dito ay nainggit sina kuya Boy at Kris sa magandang plano ng TV host.

Nabanggit din ni Luis ang sinabi raw ng nanay niya sa kanya, “Angel, you’re home.”

Tungkol naman sa pagpasok sa politika ay Mayor daw muna ang gusto ni Luis at hindi Gobernador na kapalit ng mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Giit nga ni Kris na puwede naman daw mag-OJT (on the job training) si Luis sa nanay niya, pero ipinagpilitan ng binata na, “I want to study muna.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …