Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikaw lamang, pinasadsad agad ang ratings ng Carmela (Marian, ‘di nakaporma kina Zaijian, Louise, Alyanna, at Xyriel)

ni  Maricris Valdez Nicasio

SA gabi-gabi naming pagtutok sa master teleserye ng ABS-CBN2 na Ikaw Lamang, hindi maiaalis na humanga kami sa pagkakagawa nito. Kaya hindi rin imposibleng napaibig ang buong sambayanan.

Partida pa ‘yan dahil hindi pa lumalabas ang tunay na mga bidang sina Coco Martin,Kim Chiu, Julia Montes, at Jake Cuenca. Ang mga batang sina Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Alyanna Angeles, at Xyriel Manabat pa lamang ang napapanood pero grabe na ang pagpuri sa mga ito. Nakamamangha namang tunay ang performances ng mga batang ito. Hindi nga sila nagpapakabog sa mga beteranong actor tulad nina Cherry Pie Picache, Tirso Cruz III, John Estrada, Ronaldo Valdez, Spanky Manikan, at Cherie Gil.

Sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Marso 10), wagi sa time slot ang Ikaw Lamangtaglay ang 27.4% na national TV rating o halos 12 puntos na lamang kompara sa katapat nitong programa sa GMA na Carmela na nakakuha lamang ng 16.1%.  Wagi rin ang pinakabagong serye nina Kim at Coco sa social networking sites tulad ng Twitter na naging numero unong worldwide trending topic ang hashtag na#IkawLamangGrandPilot.

Bumuhos din ang papuri ng mga manonood tungkol sa istorya, casting, cinematography, musical scoring, at production design.

Kaya sa pagdaan ng araw, tiyak na lalong mahu-hook ang TV viewers sa mas gumagandang kuwento ng Ikaw Lamang lalo na’t nalalapit na ang paglabas nina Coco, Kim, Jake, at Julia bilang magkakaibigang sina Samuel, Isabelle, Franco, at Mona.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng ‘master teleseryeng’ Ikaw Lamang gabi-gabi, pagkatapos ng Honesto sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …