Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fajardo lalaro sa SMB ngayon

SASABAK na sa unang pagkakataon para sa San Miguel Beer ang sentrong si Junmar Fajardo mamaya sa PBA Commissioner’s Cup kontra Talk ‘n Text sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa head coach ng Beermen na si Melchor “Biboy” Ravanes, ilang minuto lang ang ibibigay niya kay Fajardo na kagagaling lang sa kanyang pilay sa paa.

Napilay si Fajardo sa ensayo ng Beermen noong Marso 2 kaya hindi siya ginamit ni Ravanes sa unang dalawang panalo ng SMB sa torneo.

“Kahapon lang nag-ensayo si Junmar sa amin,” pahayag ni Ravanes.  “Iniisip ko lang, yung game shape at kondisyon niya during the actual game. We’re happy to see him play again and it depends on how he moves sa warm-up sa mga minuto na gagamitin namin siya.”

Malaking tulong para sa Beermen ang pagbabalik ni Fajardo na napiling Best Player noong Philippine Cup dahil sa kanyang mga averages na 17 puntos at 16 rebounds bawat laro.

Makakasama ni Fajardo sa ilalim ang bagong import ng Beermen na si Kevin Jones.

“Mga 80 per cent akong nasa kondisyon na. Strengthening lang ang kailangan ko. May kaunting sakit sa paa pero talagang lalaro ako. Handa ako kahit ilang minuto lang, okey sa akin,” ani Fajardo.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …