Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

She looks hot — Matteo to Sarah’s short hair

ni  Maricris Valdez Nicasio

“SHE has never look as beautiful as today. She’s very beautiful with her short hair. She looks good and I’m proud of her,” ani Matteo Guidicelli patungkol sa maigsing buhok ni Sarah Geronimo.

Nang tanungin muli ang binata ukol sa umano’y sinasabing sanhi iyon ng pagrerebelde ni Sarah sa kanyang mga magulang dahil sa umano’y ayaw ng mga ito sa kanilang relasyon, sinabi ng batang aktor na, “I don’t know. Like all of us we say and I say she looks hot.”

Tila naman umiwas sagutin nang diretso ni Matteo ang tanong ukol sa umano’y break-up nila ni Sarah. “Rumors are always rumors. Basta everything is positive and we keep it positive, it’s okay, everything is happy.”

Samantala, pawang maaksiyon, emosyonal, at nakagugulat na finale ang inihanda para sa mga manonood ng top-rating afternoon teleserye ng ABS-CBN, ang Galema: Anak ni Zuma.

Anim na buwan pala itong umere na nagsimula noong Setyembre 30, 2013 na sinubaybayan ng mga manonood. Dinamayan ng mga manonood si Galema sa iba’t ibang bahagi ng kanyang buhay—kasing-saya man ng natuloy nilang kasal ni Morgan (Matteo) o kasing-pait ng pagkakawalay niya sa anak niyang si Sophia.

Sa pagwawakas ng seryeng idinirehe ni Wenn V. Deramas, isang mahiwagang amulet ang magkakaroon ng kapangyarihang wakasan ang lahat ng panganib sa pamilya ni Galema.

Anong gagawin ni Galema kung sa kahuli-hulihang pagtutuos nila ng amang si Zuma (Derick Hubalde) ay malagay sa kapahamakan ang dalawa sa mga mahal niya sa buhay? Sa huli, matupad kaya ni Galema ang pinapangarap niyang buo at normal na buhay para sa kanyang pamilya?

Ang Galema: Anak ni Zuma, ay halaw sa sikat na Pinoy komiks series na isinulat ni Jim Fernandez.

Tampok din sa Galema: Anak ni Zuma sina Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, Joey Paras, Dante Ponce, Bryan Santos, at Meg Imperial. Huwag palampasin ang makamandag na pagtatapos nito sa Marso 28 (Biyernes), pagkatapos ng  Kapamilya Blockbusters sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …