Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, bida na sa Moon of Desire!

ni  Reggee Bonoan

HALOS maiyak sa tuwa si Meg Imperial nang maging bida siya sa pelikulang Menor de Edad sa Viva Films at mapasama na siya sa mga seryeng Galema:  Anak ni Zuma, Please Be Careful With My Heart, naka-dalawang episode ng Maalaala Mo Kaya at nagkaroon ng guestings sa ASAP at It’s Showtime at muling nabigyan ng magandang papel sa pelikulang ABNKKBSANPLAKO?

Ayon kay Meg, nakare-relate siya sa pelikulang Ekstra ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto dahil naranasan niya ang maging ekstra.

Nag-umpisang maging ekstra si Meg sa edad na 10-taong gulang.

“Hindi ko po napanood ‘yung movie, ikinuwento lang sa akin at talagang relate na relate po ako roon kasi naranasan ko.

“Nasubukan ko lahat, like passers-by lang ako kina Ms LT (Lorna Tolentino), then naging sorority friend lang ako ni Valeen Montenegro during ‘Isabela’ (serye ni Judy Ann Santos) before, naging talent lang ako na nagligtas kay Albert Martinez during ‘Maria Flor de Luna’ and I don’t think matatandaan ninyo kasi talagang talent lang ako, tapos may line na ibinigay, opps, may line ka.

“Rati po kasi wala akong network before kaya kung saan-saan ako nagiging passers-by, nag-channel 4 pa nga po ako, like PCSO project, mga ‘yun.

“Hanggang nakilala ko po si tita Chit Ramos at binigyan ako ng card para mag-audition bilang batang Bea Alonzo at pumila po ako sa ABS-CBN, isa sa 200 na applicants pero rejected po ako.  Iyon po ang first rejection ko na nag-audition ako.

“Hanggang sa nakahiligan ko na pong mag-audition, tuloy-tuloy na hanggang sa na-enjoy ko at nag-workshop ako ganoon,  hanggang sa nagkaroon ng bit roles then nag-workshop dito sa ABS bago ako nag-TV5 tapos bumalik lang ako ulit ng ABS,” mahabang kuwento ni Meg sa solo presscon niya kahapon para sa panghapong seryeng Moon of Desire na kapalit ng Galema:  Anak ni Zuma.

At dahil virginal beauty ang dating ni Meg kaya natanong ang dalaga kung may karanasan na siya sa sex at indirect niyang sinagot ng ‘wala pa’.

Kaya ang tanong namin ay paano niya nagawang i-arte ang papel niya sa Moon of Desire na isang sexy at may mga bed scene pa sa mga leading man niyang sina JC de Vera, Miko Raval, at Dominic Roque.

“Totoo po na (nahirapan) ako, pero hindi ko naman po sinagot ng diretso na virgin ako kasi ayokong masabihan ng ano, kasi parehas, may negative, may positive ang sagot ko, so ayoko na lang pong magsalita.

“Hirap po (eksena) kasi lumaki akong nasa bahay lang, si mom ko kasi is very strict na ang gusto niya ay lagi ko siyang kasama sa tapings.

“So, nakatutulong po sa akin ‘yung pagtatanong, panonood ng movies, plus advise kung paano ang tamang atake, ano pakiramdam. Weird lang siya kapag tinanong mo,” paliwanag ng dalaga.

Nagkaroon na raw ng boyfriend si Meg, “nagkaroon naman po, pero hindi umabot sa point ng gaya ng iniisip ng ibang tao,” diretsong sagot ni Meg sa amin.

Sino ang most desirable sa tatlong leading man sa Moon of Desire?

“Si JC. Physically, bumagay sa katawan at kulay niya ang personality niya. Mas kilala ko rin siya kaysa kina Dom at Miko. Nakadagdag din ‘yung pagiging mahusay ni JC sa larangan ng pag-arte,” pagtatapat ng dalaga.

Anyway, mapapanood na ang Moon of Desire sa Marso 31, Lunes kasama si Ellen Adarna na isa rin sa magpapaluwa ng mga mata sa mga manonood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …