Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May mapapala ba ang mga obrero sa “Cha-Cha” ni SB?

SA “CHA-CHA” Speaker Sonny “SB” Belmonte version, ano nga ba ang mapapala ng mga obrero? Trabaho? Iyan ay kung talagang may mapapala ang mga manggagawa …e mukhang mga mambabatas na nagpalusot sa unang pagbasa lang yata ang may mapapala rito? Huwag naman sana, kaya magbantay tayo mga kababayan.

Hinggil naman sa Cha-Cha ni SB, basahin natin ang reaksyon (statement) ng grupo ng mga manggagawa – Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na ipinadala sa inyong lingkod.

Bilang tugon sa “Cha-Cha” ng mga kongresista sa pangunguna ni Speaker Feliciano Belmonte, na ang  layunin ang pag-amyenda ng Konstitusyon  para makahikayat ng dayuhang imbestor sa pamamagitan ng pag-aalis ng limitasyon sa pag-aari ng mga dayuhan sa kalupaan at negosyo.

Anang lider ng grupo na si Gie Relova …”Masikip sa dibdib ng mga manggagawa na kapal-mukhang isinusulong ng mga politiko ang interes ng mga dayuhang kompanya, ngunit paano naman kami? Paano ang aming mga karapatan, kung binabalak rin nilang baguhin ang konstitusyon, nararapat lamang na isama nila ang mga panukalang magdadagdag sa proteksyon at magpapaunlad ng kagalingan namin. Ang aming mga hanapbuhay at ang kinabukasan ng aming mga anak ay nakasalalay din sa Charter Change na ito.”

Matatandaan, nitong nakaraang linggo, ipinasa ng Komite sa Constitutional Reform sa Kamara sa pamumuno ni Rep. Mylene Garcia-Albano ng Davao ang House Resolution 1 na naghahangad na idagdag ang pariralang “unless provided by law” sa mga artikulo ng Konstitusyon na pumapatungkol sa limitasyon sa maaaring ariin ng mga dayuhan. Kabilang dito ang kalupaan at mga negosyo, pamamahala ng media, prangkisa ng mga pampublikong serbisyo at mga institusyong pang-edukasyon.

Hangad din ng resolusyon na lumawak ang partisipasyon ng mga dayuhang korporasyon sa pagpapaunlad, pagtuklas at paggamit ng pampublikong lupain, tubigan, mineral, carbon, langis, iba pang pagmumulan ng enerhiya, palaisdaan, kagubatan at iba pang likas-yaman.

“Wala kaming problemang baguhin ang konstitusyon dahil ang umiiral na Saligang Batas ng 1987 ay likas na depektibo. Pantay ang trato nito sa karapatang magmay-ari ang minoryang kapitalista at ang karapatan mabuhay nang disente ang mayoryang manggagawa’t maralita. Gayonman, ang walang habas na pag-abuso sa karapatan na magkaroon ng pribadong pag-aari ay tumutungo sa konsentrasyon ng yaman sa iilan na siyang pangunahing balakid naman sa karapatang mabuhay nang disente ng milyong manggagawa’t maralita. Ang paglala ng ‘di pagkakapantay-pantay sa ating lipunan ay direktang mauugat sa prinsipyong ito,” paliwanag ng lider ng BMP.

“Maaari naman namin suportahan si Belmonte kung susuportahan din nila ang mga panukalang magpapaunlad sa aming abang kalagayan gayong, kaming mga manggagawa naman ang pinakaproduktibong sektor sa ekonomiya,”dagdag ni Relova.

Ilan sa pinakamatinding isyung pinapasan ng sektor ng paggawa ay ang maling sistema ng pagtatakda ng sahod sa porma ng regional wage boards, ang salot na kontraktwalisasyon na nagpapamura sa halaga ng lakas-paggawa at nagkakait ng kaseguruhan sa trabaho at ang paparaming bilang ng walang hanapbuhay.

“Kung ang tanging misyon ng mga kongresista ay simpleng ibuka pa ang ekonomiya ng bansa nang walang dagdag na probisyon para sa proteksyon ng paggawa, mangangahulugan lamang ito ng mas malaganap na paglabag sa mga karapatan ng manggagawa, mas miserableng kundisyon sa pagtratrabaho at mas mababang pasahod,” pahayag ng lider ng BMP.

***

Para sa inyong suhestiyon, komento at reaksyon magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …