Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Enrique, may chemistry!

ni  Maricris Valdez Nicasio

TATLONG buwan pa lamang nagkakasama sina Julia Barretto at Enrique Gil para Mira Bella, pero kapansin-pansin na may chemistry ang dalawa at super close na. Nasaksihan namin ito sa kakaibang Birthday Bonding with the Press na ginawa noong Martes sa Play Land ng Fisher Mall.

Napansin din naming bagay pala ang dalawa na hindi imposibleng magka-developan.

Ayon kina Enrique at Julia, umaasa silang matatangap ang kanilang pagsasama at magiging matagumpay din tulad ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Siyempre kung may love team, may show, mas okay kung mag-click talaga ang love team namin. So we are just doing our best na maging okay talaga ang lahat. Ginagawa namin ang lahat para sa show na ito,” sambit pa ni Enrique.

“Sana maging maganda ang path namin. Dapat lahat tayo may sariling path. They are successful and we all want to be successful pero sana different path ang puntahan,” giit naman ni Julia.

Bagamat kinakabahan sina Julia at Enrique, handang-handa na sila para bihagin ang puso ng TV viewers ng ABS-CBN sa kauna-unahan nilang primetime teleserye, ang Mira Bella na magsisimula nang umere ngayong Marso 24. Ito’y mula pa rin sa unit ng Dreamscape Entertainment Television.

“Lahat naman po ng artista, lalo na ang mga baguhang katulad ko, nangangarap na magkaroon ng sariling teleserye, kaya ngayon pong binigyan ako ng ABS-CBN ng pagkakataong ito, gagawin ko po talaga ang best ko para mapaganda ang show namin,” ani Julia.

Inamin naman ni Enrique na katulad ni Julia ay excited na rin siya para sa pagsisimula ng Mira Bella. Aniya, “Bagong experience siya sa akin kasi una kong fantaserye ito. Excited ako sa bagong lessons, bagong mga katrabaho, at sa bago kong character. Refreshing siya para sa akin.”

Tiniyak kapwa nina Julia at Enrique na mae-enjoy ng mga manonood ang kuwento ng kanilang fantaserye. “Tamang-tama po para sa nalalapit na summer season ang ‘Mira Bella’ dahil iikot ang istorya nito sa pamilya, sa pag-ibig, at sa pagtanggap sa sarili sa kabila ng panlabas na kaanyuan. Tiyak pong maraming matututuhan ang TV viewers, lalo na po ang mga kabataan,” dagdag ni Julia.

Gagampanan ni Julia ang karakter ng isang dalagang isinumpa na magkaroon ng balat na tulad ng isang kahoy na si Mira, na palihim na iniibig ng kanyang bulag na kaibigan na si Jeremy (Enrique). Sa kabila ng kanyang kakaibang katangian, lalaki si Mira na mabait at masunurin dahil sa pagmamahal ng mga magulang na umampon sa kanya na sina Osang (Pokwang) at Paeng (John ‘Sweet’ Lapus).

Tampok din sa Mira Bella sina Sam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, Mika dela Cruz, at Gloria Diaz. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …