Monday , December 23 2024

Cadet Cudia ipinahamak ng social media

NAKAAAWA man isipin na matapos ang apat (4) na taon sa Philippine Military Academy (PMA) ay naglahong parang bula ang pangarap ni Cadet Jeff Aldrin Cudia dahil sa salang paglabag sa HONOR CODE ng military school. Ang Code na itinakda noon ni Gen. MacArthur na ibinatay sa US Military Academy sa West Point ay nagsasabing ang bawat kadete ay hindi nandaraya, nagsisinungaling o nagnanakaw at hindi nila kinokonsinti ang sinumang gagawa nito.

Isang matandang tradisyon na ‘yan hindi lamang sa PMA kundi sa halos lahat ng military schools sa mundo gaya ng West Point.

Pero ang tradisyon sa PMA ay sagrado. Itong kulturang ito ang nagpapangibabaw sa PMA sa iba pang institusyon sa bansa. Kapag ang institusyong ito ang kinalaban mo, lalo’t nasa panig ka ng mali, humihigpit ang pagkapit ng bawat isang KABALYERO para ipagtanggol ang PMA.

Ganito ang naging kaso ni Cadet Cudia. Dahil nahuli sa pagpasok sa kaniyang subject ng 2 minuto, hindi nagustuhan ng propesor ang naging dahilan na late na rin silang dinismiss ng isa pang propesor. Dito nagsimula ang kaso na humantong sa HONOR COMMITTEE ng PMA. Ang naturang komite ay binubuo ng mga dedikadong tao. At sa palagay ko, gaya ng isinasaad sa HONOR CODE, hindi papayagan ng komite na magamit sila sa mali.

Bagamat napagdesisyonang sibakin sa PMA si Cudia, may mga kaparaanan pa para maiapela ang kaniyang kaso nang naaayon  sa isinasaad ng alituntunin ng Armed Forces of the Philippines. THROUGH CHANNEL ang tawag nila rito. May prosesong dapat sinunod. Bilang isang sundalo, hindi naman nararapat na umiyak siya o sinuman sa pamilya niya na parang bata dahil sa pangyayari.

Nakikisimpatiya ako sa mga Cudia ngunit sa pakiwari ko lalong lumaki ang problema ni Jeff Aldrin at lalong lumabo ang pangarap niyang maka-graduate nang ikalat sa FACEBOOK ng kaniyang kapatid ang nangyari sa kadete. Sa totoo lang, mga kanayon, kung hindi napagpiyestahan sa SOCIAL MEDIA ang naging kaso ni Cudia, baka sakaling makakuha pa siya ng simpatiya sa lahat ng opisyal sa loob at labas ng PMA.

Ang problema, naging kontroberisyal ang kaso dahil sa dami ng mga EPAL na NAKISAWSAW. Mga EPAL na lalong nagpalalim sa hukay na paglilibingan ng mga pangarap ni Cudia. Kung nanahimik at tinahak lamang ng ate ni Cudia ang tamang proseso ng tahimik at naaayon sa tradisyon at alituntunin ng AFP at PMA, baka nagawan pa ito ng paraan.

Ang PMA ay isang military school. Hindi ito sibilyan. Ang mga mag-aaral dito ay mga sundalo na may ranggo habang nasa akademiya. May sariling tradisyon at kultura ang mga kadete na SAGRADO sa kanila. Ang mga epal at pakialamero ay walang puwang sa naturang institusyon.

Kung sa gitna ng labanan at nakuha siya ng kalaban bilang isang sundalo, maaari bang sabihin ni Cudia na TIME-OUT muna at may karapatan din ako?

Hindi.

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *