Monday , December 23 2024

Arrest warrant vs Delfin Lee valid — SC

031314 delfin lee
BANTAY-SARADO na dumating sa Court of Appeals si Delfin Lee upang humarap sa korte kaugnay sa reklamo niyang illegal na pag-aresto sa kanya ng mga awtoridad. (BONG SON)

IDINEKLARA ng Supreme Court (SC) na “valid” ang arrest warrant na inilabas ng Pampanga RTC branch 42 laban kay Globe Asiatique president Delfin Lee kaugnay sa kasong syndicated estafa.

Ayon sa source mula sa Korte Suprema, pinigilan ng kataas-taasang hukuman sa pamamagitan ng temporary restraining order (TRO), ang pagbasura ng Court of Appeals (CA) sa warrant of arrest kay Lee sa kasong syndicated estafa.

Inilabas ang TRO sa pamamagitan ng 3rd Division ng SC alinsunod sa petisyon ng Department of Justice (DoJ).

Nag-ugat ang petisyon nang ibasura ng CA ang inilabas na warrant of arrest ng korte sa Pampanga na naging dahilan din ng “delisting” ni Lee sa talaan ng mga may arrest warrant ng PNP-CIDG.

Magugunitang una nang naglabas ng TRO ang SC 2nd Division laban sa pagpigil sa pagdinig ng DoJ sa 2nd, 3rd at 4th complaint ng estafa laban kay Lee.

Si Lee, founder at president ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp., ay nahaharap sa kasong syndicated estafa dahil sinasabing sa panloloko sa gobyerno ng P6.6 billion sa housing loan.

Backer ni Lee pangalanan (Hamon ni Mar kay Binay)

Hamon ni Mar kay Binay

BACKER NI LEE PANGALANAN

HINAMON ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas si Vice-President Jejomar Binay na pangalanan ang sinasabing “influential person” na nagtangkang harangin ang pag-aresto ng mga awtoridad sa negosyanteng si Delfin Lee.

Kaugnay nito, muling iginiit ng kalihim na nanatili pa rin sa “wanted persons’ list” ng Philippine National Police si Lee na nahaharap sa P7-billion syndicated estafa case.

Dagdag pa ni Roxas, unfair ang mga paratang ni Binay kung hindi niya papangalanan ang tinutukoy na impormasyon, lalo’t nagdudulot lamang ito ng intriga.

“I think the most responsible thing for the Vice-President to say is to actually say who tried to prevent the arrest other than just simply giving, general, nameless, faceless, attributable-less information, which just sows intrigue and innuendo,” ayon sa kalihim.

KASABWAT  HUHUBARAN NG MASKARA

APRUB sa Palasyo na hubaran ng maskara ng Kongreso ang iba pang kasabwat ng negosyanteng si Delfin Lee sa  P7 bilyong housing scam.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., inaasahan ng Malacañang na magiging susi ang House inquiry upang matuklasan ang mga anomalya sa pagpapautang ng bilyon-bilyong pondo ng Pag-Ibig funds.

Aniya, dapat matukoy at mapanagot ang mga opisyal, batay sa makakalap na mga ebidensiya.

Una nang sinabi ng Palasyo na walang sasantuhin ang administrasyong Aquino kahit pa alyado nila ang masasangkot sa anomalya, ngunit agad inabswelto ni Pangulong Benigno Aquino III si Mindoro Oriental Gov. at Liberal Party secretary Alfonso Umali nang tawagan si PNP chief Director General Alan Purisima  matapos arestuhin ng pulisya si Lee.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *