ni Reggee Bonoan
HINDI natinag sa number one spot ang Honesto sa kabila ng pagtapat ng programang Kambal Sirena noong Lunes.
Base sa nationwide rating ng Kantar noong Monday, milya-milya pa rin ang layo ng Honesto with 32.4% laban sa 18.1% ng Kambal Sirena.
Malinaw na hooked ang buong bansa sa kuwento ni Honesto sa huling limang (5) gabi nito dahil nakita ni Diego (Paulo Avelino) ang paglaki ng ilong ni Honesto nang magsinungaling ito sa mga pulis nang tanungin siya.
Ang ganda ng eksenang nagulat si Diego kay Honesto na lumaki ang ilong na naman niya sa nanay niyang si Maricar Reyes.
At dito na napatunayan ni Diego na anak nga niya si Honesto at inamin din ng bata na mag-ama nga sila.
Kaya mahirap nang bitawan ang kuwento ni Raikko Mateo bilang Honesto sa natitirang tatlong gabi dahilmagtatapos na sa Biyernes, Marso 14.