Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, binu-bully ng fans ni Marian (Dahil sa pagiging fan nina Daniel at Kathryn)

ni Alex Brosas

BINU-BULLY ng fans ni Marian Rivera si Heart Evangelista. Marianita supporters went ballistic when they learned na pinanood ni Heart ang pagtatapos ng Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Talagang binash nila si Heart at kung ano-anong panlalait ang ginawa nila sa dyowa ni senator Chiz Escudero when she tweeted na, “I’m kinda Kilig with #GotToBelieve d’”.

Halatang mga walang pinag-aralan ang fans ni Marianita, para silang diktador. Ang gusto ba nila ay sila ang masusunod sa buhay ni Heart? Gusto ba nila na ‘wag panoorin ni Heart ang soap nina Daniel at Kathryn?

Puro sila panlalait kahit hindi naman inaano ni Heart si Marian. Magwala sila kung narinig nilang nilait ni Heart si Marian, ‘no. Pero hindi naman nilalait ni Heart ang dyowa ni Dingdong Dantes kaya wala silang karapatang i-bully ang dalaga.

Nakahihiya ang ganitong warfreak na fans ni Marian. Dapat sa kanila pagsasampalin. Mga walang modo. Mga walang pinag-aralan. Mga hindi naturuan about manners.

Venus, deadma na sa marriage proposal

ENJOY na enjoy ni Venus Raj sa hosting job niya for Business Flight, isang travel and docu na kasama niya si Cristina Decena. It will be aired on March 23 sa GMA News TV.

“Nakatutuwa ang mga Filipino sa Japan. Mayroong isang interview na iyak siya nang iyak. Ikinukuwento niya kung paano siya nag-start, kung paano naka-survive. Akala ko kapag nangibang bansa ka successful ka agad at wala kang pagdaraanang hirap pero grabe rin pala ‘yung hirap na pinagdaanan nila prior to achieving kung ano ‘yung mayroon sila ngayon,” chika sa amin ni Venus.

Nakare-relate ba siya?

“Sobrang nakare-relate ako kasi ako taga-probinsiya, ganoon din naman ang dreams and aspirations ko for my family. Sila lumabas ng bansa para magpadala ng pera sa Pilipinas, magpa-aral ng kapamilya, mga kapatid, anak. So kung ano ang na-experience nila ay parang lahat ng pera papasok sa Pilipinas. Same rin sa akin, pagawa ng bahay, pagtulong sa pagpapa-aral ng pamangkin.

“Na-touch ako sa story ng isang nagtayo ng karinderya sa Japan. Nasubukan niyang maging Japayuki noon. Ang tingin kasi sa kanila magdya-Japan, ibig sabihin sayayaw, entertainer. Nag-start siya sa ganoon pero hindi naglaon ay nakaipon siya at nagtayo siya ng business. She likes to cook mga Filipino cuisine.”

Willing ba siyang mag-artista?

“Okay lang din naman sa akin pero as of now I’m studying. I’m taking my master’s in Community Development sa UP. Gusto ko pong maging teacher. Nakadalawang semester na ako,” say niya.

Nang matanong kung true na ni-reject niya ang marriage proposal ng ex-BF niya ay todo-iwas si Venus.

“Oh, my gosh. Let’s not talk about that. For me kasi, parang it’s a non-issue anymore at this time na we have just to forget about it. Ako mismo ayoko nang balikan nang balikan kung ano ang mga issue before. I’m okay now.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …