Ed de Leon
TINATANONG nila ni Annabelle Rama, dahil alam nila na vocal iyon sa kahit na anong issue kung doon raw ba sa reality show nila ay may lalabas siyang “bagong apo”. Kasi sinabi nilang kasama pati ang kanilang mga apong sina Lorin at Venice.Simple lang ang isinagot ni Annabelle Rama, “manood na lang kayo”.
Hindi siya nag-deny na may posibleng bagong “apo” na lumabas sa show. Kahit kailan naman hindi niya ginawa iyon eh. Kaya lang siguro naniniwala siya na ang mga magulang ng isang bata ang siyang may higit na karapatan kung kailan nila gustong ilantad sa publiko ang kanilang anak. Nasa tao na rin iyon kung gusto niyang manatiling pribado ang tama lang namang maging pribadong bahagi ng kanilang buhay. Karapatan nila iyon eh. At least hindi kagaya ng iba na nagde-deny pa.