Wednesday , November 13 2024

Pasay City officials, contractors, suppliers at bagman nag-junket sa Hong Kong

00 Bulabugin JSY
TWO Fridays ago, nabalitaan natin na isang grupo ng Pasay City LGU officials ang nagpasarap ‘este’ naglamyerda sa Hong Kong.

Kabilang sa grupong ito ang isang mataas na opisyal, mga piling department heads, mga taga-bids and awards kumita ‘este  committee, contractors, suppliers at s’yempre hindi mawawala ang tinaguriang Pasay ‘bagman’ na si Lan chiaw Bing Lintekson at Boyet ‘d Bagman.

Hindi lang malinaw kung ang kasama ni Lan Chiaw Bing ay tunay na asawa n’ya o ang kabit n’yang si Janet Suso!?

Kasama rin at hindi pwedeng mawala ang APAT na SIKAT na ‘konsuhol ‘este konsehal.

Hindi nasabi sa atin ng ating source kung ano ang dahilan at nagsama-sama sa paglalamyerda ang grupong ito.

Pero definitely, iisa ang dahilan, ‘HAPPY’ sila.

Kung bakit sila ‘HAPPY’ ‘e ‘yan ang dapat malaman ng mga Pasayeño.

Patuloy ang paghihirap at nakanganga pa rin sa serbisyo ng Pasay LGU ang Pasayeño, pero ang mga inaasahan nilang opisyal ay nagpapasarap naman sa Hong Kong.

Pero kung hihilatsahan ang grupo, na binubuo ng Pasay City officials mula sa bids and awards ‘kumita’ este committee, contractors & suppliers at kasama pa ang ‘malatubang’ bagman ‘e masasabi nating mukhang may kinalaman ‘yan sa malaking pagkakakitaan o kumita na?

Mukhang ‘naplantsa’ na ng grupo ang kailan lang ‘e isang malaking ‘sakit ng ulo’ tungkol sa kontrobersiyal na proyekto sa baybaying dagat na pasok sa teritoryo ng Pasay.

Abang-abang lang tayo mga suki d’yan sa Pasay City, dahil malamang, isang araw ‘e bigla na lang puputok (ang mga nabukulan?) ‘yang malaking isyu na ‘yan na ikinaha-HAPPY ngayon ng mga naglamyerda sa HONG KONG.

Sabi ng slogan ng Pasay City, “travel city” daw sila …mali ‘ata, dapat siguro ay “most traveled city officials?!”

Mayor Antonino Calixto, Sir, may balita ka na ba kung sino-sino ‘yang mga Pasay City officials na naglamyerda sa Hong Kong?!

Balitaan mo naman kami!

 APAT NA SIKAT NA ‘KONSUHOL’ este KONSEHAL NAGPATALO NG P8-M SA MACAU!?

DAHIL may kanya-kanyang ‘BAON’ ang mga naglamyerdang opisyal ng Pasay City sa Hong Kong, naisipan daw sumalikwat ng ‘APAT NA SIKAT’ na Konsuhol na binansagand SM boys sa Macau.

From Hong Kong ay pwede silang mag-ferry at wala pang isang oras ‘e nasa Macau na sila.

At ‘yun na nga, mukhang hanggang Macau ‘e kating-kati ang mga palad ng ‘APAT NA KONSUHOL’ kaya lumarga sa Casino.

Lalo na raw ‘yung isang Konsehal na puro Bible verse ang maririnig mo pero sugapa sa slot machine.

Heto ngayon ang nakaiiyak … saglit lang lumipad ang P8 milyon (tig-P2 milyon) na nalagas sa ‘apat na konsuhol este konsehal.

Muntik pa yatang maubusan ng pasahe sa ferry ang apat dahil kahit biscochong Macau ‘e hindi man lang nakapag-uwi ang mga kamote.

Susukot-sukot daw na nagkanya-kanyang upo sa ferry ang ‘apat na kamote.’

In short, bumalik sila sa Hong Kong na ‘hurot’ ang kwarta sa bulsa (as if naman na sariling kwarta nila ang ginasta).

Pero may nakapagsuhestiyon sa apat na kamote na puntahan nila sa HOTEL ang kanilang amo, padrino at financier.

In short, tila mga miron na nag-aabang ng subasta ang apat na kamote, na inabangan sa LOBBY ng HOTEL ang mataas na opisyal ng Pasay City, o kung hindi man ‘e ‘yung mga taga-bids and awards o sino man sa mga contractor & supplier.

Mas maswerte raw kapag ‘yung ‘BAGMAN’ ang kanilang matiyempohan.

Ang siste, mukhang nakatunog ang mga inaabangan ng apat na kamote kaya nag-‘NO SHOW’ sila.

Hindi nagpakita ‘yung mataas na opisyal, ‘yung mga taga-bids and awards, contractor and suppliers, lalo na ‘yung bagman na si Lan Chiaw Bing.

Kaya lalong nagkalukot-lukot ang mukha ng apat na konsuhol na sumalikwat sa Macau pero na-olat sa Casino.

Tsk tsk tsk …

Ngayon isang tanong, isang sagot lang para sa apat na sikat pero nangamote sa Macau, ‘yan bang IPINATALO ninyo sa Macau ay bahagi pa rin ba ng ‘GOODWILL MONEY’ na naihatag sa inyo para sa isang kontrobersiyal na project sa Pasay City?!

Ang KARMA nga naman … hindi ba’t may kasabihan … ang perang hindi pinaghirapan lalo na kung may mga ‘nabukulan’ kadalasan ay nabubuslot sa kawalan.

Bow!!!

ANG ‘BLIND ITEM’ BOY ARBORNI VP JEJOMAR BINAY

MALAKAS daw ang ‘intel’ ni Vice President Jejomar ‘Jojo’ Binay kaya naman mayroon agad nakapag-TIP sa kanya na isang mataas na opisyal sa PNoy admin daw ang ‘umaarbor’ kay Globe Asiatique owner Delfin Lee nang gabing masakote sa Hyatt Manila ng mga operatiba ng Manila police at PNP task force Tugis.

Matagal-tagal din na-AT LARGE ang Erpat ng pa-social ‘este’ socialite girl na si Divine ‘Hermes’ Lee at ang balita nga natin ‘e palamye-lamyerda lang and rubbing elbows pa raw sa ilang matataas na opisyal at maiimpluwensiyang tao sa administrasyon ni PNoy.

Patunay d’yan ‘e nang matiyempohan siya ng mga lespu sa Hyatt Hotel nitong nakaraang Huwebes ng gabi.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit napakabilis ng pangyayari at nakarating agad sa kaalaman ni VP Jojo Binay ang mga pangyayari.

Ang siste, meron pang pa-blind-blind item ala-showbiz reporter si VP Binay. Hindi pa agad pinangalanan at tumbukin kung sino si Boy Arbor.

‘E ngayong lumutang na ang pangalan ni Gov. Alfonso ‘Boy’ Umali ng Mindoro at ipinaliwanag na rin niya ang kanyang pagkakasangkot,  siya ba ‘yung tinutukoy ninyo Honorable Vice President of the Philippines?!

O baka naman, mayroon pa talagang mas mataas na opisyal kay Mindoro Gov. Umali?!

Sino siya VP Binay?!

Pangalanan mo na!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Kababayan ninakawan, pinagbantaan 2 Koreano timbog sa Parañaque

INARESTO ng mga awtoridad ang dalawang Korean national matapos ireklamo ng kanilang kababayan ng pagnanakaw, …

bagyo

Bagyong Nika nagsimula nang manalasa higit 1,700 pamilya sa Isabela inilikas

MAHIGIT 1,700 pamilya sa lalawigan ng Isabela nitong Lunes, 11 Nobyembre, sa gitna ng pananalasa …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Roderick Paulate Robbie Tan

Roderick Paulate, Robbie Tan bibigyang pagkilala sa 39th Star Awards for Movies

MATABILni John Fontanilla HANDA nang parangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga natatanging pelikulang ginawa …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *