ni Roldan Castro
OKEY lang kay Marian Rivera na maging Dyesebel si Anne Curtis. Si Marian ang huling naging Dyesebel sa serye ng GMA 7 noong 2008. Magkaibigan naman ang turingan nila kahit hindi sila textmate o gumigimik na magkasama.
Sa shoot lang nagkakasama ang dalawa at naroon ang respeto nila sa isa’t isa. Sey ni Marian, mahirap ang maging sirena dahil kailangang protektahan ang boobs na maaaring mag-hello.
Bagay daw maging Dyesebel si Anne dahil maganda, lovable, at may charming sa masa.
Talbog!
Toni, handa na raw maging ina!
BUONG ningning na sinabi ni Toni Gonzaga na handa na siyang maging ina two to three years. Binibigyan niya ng time frame pero hindi pa rin sila engaged ni Direk Paul Soriano. Although naroon na ‘yung kamalayan niya at paghahanda para mag-asawa balang araw.
Sey nga niya, ugali niya ‘yung magplano pero hindi naman natutupad.
‘Yun nga lamang!