ni Peter Ledesma
Nagiging very vocal, si Heart Evangelista sa kanyang feeling at kung ano ang gusto niya ay ‘yun ang ipino-post niya sa kanyang Instagram Account. Tulad ng mas pinapanood raw nito ang teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padillana “Got to Believe” na nag-end na last Friday. Hindi lang ‘yan pinuri-puri pa ng actress host ang nasabing serye, na quality ang pagkakagawa. Oo! tama naman dyan si Heart dahil compared sa mga show sa GMA 7 ay talagang wala silang binatbat sa mga programa ng ABS-CBN. Saka kahit contract star siya ng Kapuso siguro gusto lang talagang maging honest ni Heart sa kanyang sarili no! Hindi rin natin siya mabi-blame dahil original siya sa Kapamilya. Sayang nga eh, kung hindi siya nagpadalos-dalos sa kanyang desisyon ay mas sunikat pa sana ang naturang aktres na so so lang ang career ngayon sa Kapuso. Wrong career move ang paglipat niya gyud!