Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, support na lang sa Ikaw Lamang?

ni  Reggee Bonoan

WALANG kaso kay Julia Montes kung support lang siya sa master-seryeng Ikaw Lamang kina Coco Martin at Kim Chiu.

Matatandaang si Julia ang dating leading lady ni Coco sa seryeng Walang Hanggan at pelikulang A Moment In Time na kinunan pa sa Europe na napanood noong 2013.

Pero ngayon ay second lead na lang siya kay Kim?

Maganda ang naging sagot ng dalaga rito, “wala naman po sa akin ‘yung bida o kontrabida, para sa akin po, ang suportahan sila honored na po ako roon at napasama po ako rito.

“Ang promise ko lang sa inyo kung kanino man ito iaalok (role), siguradong hindi rin magdadalawang-isip na tanggapin ito. At nalaman ko lang po na ito ‘yung project, siguradong buo na po ako at makasama ko lang ‘yung ganito kagagaling (cast), sino ba ako para tumanggi at masaya ako para maging part ng ‘Ikaw Lamang’.”

Sabagay kaysa walang trabaho, di ba ateng Maricris? (At hindi naman matatawag na support lang si Julia sa master seryeng ito dahil mahalaga at malaki rin ang gagampanan niyang papel sa Ikaw Lamang—ED)

At dahil hindi na magka-loveteam ngayon sina Coco at Julia sa Ikaw Lamang ay aabangan na lang sila bilang bestfriend?

Isa pang klinaro ni Julia ay ang tsikang naging sila noon ni Coco habang umeere ang Walang Hanggan at isinu-shoot nila ang A Moment In Time, “work lang po kami” aniya.

Isa kami sa nagsulat na totoong may namuong relasyon ang dalawa ng mga panahong iyon pero hindi nagtagal dahil napagtanto ni Coco na masyado pang bata si Julia, pero hindi naman daw niya isinasara ang pintuan na darating ang araw na puwede na niyang ligawan ang aktres kapag mature na.

Say ni Coco ng panahong naging ‘sila’ ni Julia, “siguro nakikita ng iba ang magandang samahan namin kasi sobra ko siyang inaalagaan, para na nga akong kuya lalo na ‘pag out of town shows at out of the country.

“Kaibigan, kuya, magkasama na kami noon pa, kaya napalapit na kami sa lola niya. At dahil pareho kaming padre de pamilya kaya nag-a-advise ako sa kanya, nakikita ko ang sarili ko sa kanya.”

O sige na nga, Coco M?

Samantala, bukas ng gabi ang advance celebrity screening ng isang linggong episode ng Ikaw Lamang sa Trinoma Cinema 7, 6:00-9:00 p.m. at mapapanood na ito sa Lunes, Marso 10 mula sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco produced ng Dreamscape Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …