Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cover mag ni Heart, mas bumenta kompara kay Marian

 ni Alex Brosas

BINURA na ni Heart Evangelista ang Instagram photo na ipinost niya  katabi ng magazine cover niya ang cover ni Marian Rivera with this caption: “One left!!:) glad you guys got your copy:)”

Nabaliw ang Marian supporters kasi ang feeling nila ay parang pinatutsadahan ang kanilang idol.

Sa photo kasi ay isa na lang ang natira sa mag cover ni Heart samantalang ‘yung kay Marian ay marami pa.   Marian fans thought that it was made to appear na mas mabenta ang cover ni Heart kaysa kay Marian.

One guy commented na “mighty high” ang insecurity ni Heart kay Marian.

Mayroong isa naman ang nag-isip na  binili ni Heart ang magazine na cover siya at itinira na lang ang isa para palabasing mabenta ang kanyang cover pictorial.

“Childish, insecure, provoking act” lamented one guy.

In her Instagram photo which has this caption: “One of the greatest mental freedoms is truly not caring about what anyone else thinks of you,” paliwanag ni Heart.

“Mahirap maging artista sa totoo lang. Lalo Na Kung minsan you choose to just shut up. People have no idea how others can be in person. I honestly didn’t mean anything…infact, if I hated someone (which is a strong word to begin with) why would I even have that person in mg ig post. I thank my supporters. It’s not my fault mg magazine was placed beside “her”. I’ve always been honest and outspoken.  She sin’t my favorite person because of what she did to me and others but that was yearsago. We are not friends nor enemies. If you don’t like me please unfollow…thank you sa nagdedefend Na totoong account. I really appreciate all of you,” mahabang explanation ni Heart.

At nang may isang follower na nagsabi kay Heart na makipagbati na kay Marian, nagpasalamat ang dalaga pero sinabing nakakapagod na ang fans ni Marian. Kasi siguro ay inaway siya nang todo-todo.

Naku, parang mabubuhay na naman ang awayang  Heart and Marian, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …