MARAMI raw pala talagang ‘HIMALA’ si Fr. Fernando Suarez, ang nabansagang healing priest sa bansa.
At isa sa mga ‘himalang’ ‘yan ‘e ‘yung hindi ma-account ‘yung mga donasyon na tinatanggap niya.
Meaning, ‘NAWAWALA’ ang mga donasyong tinatanggap ni Fr. Suarez.
Medyo malaking question ito sa kredebilidad ni Fr. Suarez. Kung nakalusot siya sa mga hindi maipaliwanag na himala ng paggaling ng mga naniniwala sa kanya, itong nawawalang ‘donasyon’ ay paano niya ipaliliwanag?
Kumakalat din ang balita na mayroon daw palang kakaibang bisyo si Father …
Mahilig pala siyang bumiyahe-biyahe … hindi lang sa buong Philippines kundi maging sa ibang bansa.
Katunayan, paborito rin niyang panoorin ang Wimbledon Tennis sa United Kingdom.
Ganyan na ba karami ang pera ni Fr. Suarez?
Father, sa airfare pa lang malaki na ang gastos ‘e ‘yung hotel and accommodation pa?!
Ganyan ka na ba talaga ka-bigtime, Father?!
O baka naman mayroong napagaling si Fr. Suarez mula sa malubhang sakit at ang naging premyo niya ay ang biyahe sa United Kingdom?
Aba, ‘e daig mo pa ang ‘pinagpala’ ng langit Father Suarez.
Gusto lang natin itanong kay Fr. Suarez, may nagsa-substitute ba sa panggagamot mo kapag bumibiyahe ka sa ibang bansa?!
Father ayusin mo ‘yan, naghuhulas ang paghanga ko sa iyo.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com