Monday , December 23 2024

Ang mga ‘himala’ ni Fr. Fernando Suarez

00 Bulabugin JSY
MARAMI raw pala talagang ‘HIMALA’ si Fr. Fernando Suarez, ang nabansagang healing priest sa bansa.

At isa sa mga ‘himalang’ ‘yan ‘e ‘yung hindi ma-account ‘yung mga donasyon na tinatanggap niya.

Meaning, ‘NAWAWALA’ ang mga donasyong tinatanggap ni Fr. Suarez.

Medyo malaking question ito sa kredebilidad ni Fr. Suarez. Kung nakalusot siya sa mga hindi maipaliwanag na himala ng paggaling ng mga naniniwala sa kanya, itong nawawalang ‘donasyon’ ay paano niya ipaliliwanag?

Kumakalat din ang balita na mayroon daw palang kakaibang bisyo si Father …

Mahilig pala siyang bumiyahe-biyahe … hindi lang sa buong Philippines kundi maging sa ibang bansa.

Katunayan, paborito rin niyang panoorin ang Wimbledon Tennis sa United Kingdom.

Ganyan na ba karami ang pera ni Fr. Suarez?

Father, sa airfare pa lang malaki na ang gastos ‘e ‘yung hotel and accommodation pa?!

Ganyan ka na ba talaga ka-bigtime, Father?!

O baka naman mayroong napagaling si Fr. Suarez mula sa malubhang sakit at ang naging premyo niya ay ang biyahe sa United Kingdom?

Aba, ‘e daig mo pa ang ‘pinagpala’ ng langit Father Suarez.

Gusto lang natin itanong kay Fr. Suarez, may nagsa-substitute ba sa panggagamot mo kapag bumibiyahe ka sa ibang bansa?!

Father ayusin mo ‘yan, naghuhulas ang paghanga ko sa iyo.

HONESTO KA BA SENATOR BONG? (Wee … hindi nga?)

HINDI raw magnanakaw ang pamilya nila.

‘Yan ang mariing sinasabi at pagtatanggol ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., sa pagkakasangkot nila sa P10-billion pork barrel scam ng kanyang tatay, ang actor at dating senador na si Ramon ‘Nardong Putik’ Revilla, Sr.

Pwede naman paniwalaan ‘yan Senator BONG. Pero pagkatapos na kayong maisailalim sa LIFESTYLE CHECK.

‘E ang nakapagtataka lang, bakit ayaw mong sumailalim sa LIFESTYLE CHECK?!

Idinamay mo pa ‘yung mga taga-Malakanyang.

Ibang klase ka rin talaga, Panday!

By the way, hindi ba’t kayo ang may-ari ng malaking bloke ng solar d’yan sa tapat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Macapagal Ave.?

Kailan ba ninyo na-acquire ‘yan? Noon bang ang tatay mo ay nasa Public Estates Authority (PEA) pa?

Paki-explain!

KOREAN ‘MAFIA’ INVADING OUR COUNTRY

Bukod sa mga Chinese nationals ay dapat mapagtuunan din ng pansin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Fred Mison ang Korean nationals na may illegl activities sa ating bansa.

Masyado nang maraming Koreano ang nai-involve sa online gaming, cybersex, casino financing, kidnapping at maging ang pagdami ng mga illegal language schools na ginagawang front para makapag-stay sila nang matagal sa ating bansa.

Karamihan sa mga illegal language schools na ito ay walang accreditation sa Bureau at ang mga estudyante ay pawang walang special study permits. Sobra ba ang dami ng trabaho ng mga taga-BI Student Desk Section at hindi na nila ma-monitor ‘yang mga ‘yan?

Maging ang mga pagdami ng Korean communities sa ating bansa ay nakaaalarma na dahil baka dumating ang araw na mas marami pa ang mg Koreano kaysa mga Chinese at Bombay. Mabuti sana kung nakapagbibigay ng maraming oportunidad at negosyo para magkaroon ng trabaho ang Pinoy. ‘E kaso pawing pang-aabuso at kawalanghiyaan ang natatanggap ng ating mga kababayang Pinoy.

Suggestion lang po Comm. Fred Mison, baka pwedeng pasadahan mo na rin ang mga Koreanong ‘yan lalo na ‘yung mga Korean junkets sa casino na ang karamihang nagpapatakbo ay miyembro ng Korean mafia?!

Isa na si TIGER O (money launderer) na namamayagpag sa Resorts World Casino at isang MIKE SA-KIM na nagnenegosyo ng poker sa Solaire Casino kahit peke ang kompanya at hindi nagbabayad ng buwis sa BIR.

Balita ko pa po kung hindi kwestiyonable ay walang kaukulang visa ang mga Korean casino financiers maging ang kanilang runners.

Huwag naman sanang mamayani ang mga ‘kimchi’ sa ating bansa!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *