Monday , December 23 2024

Kredebilidad ni Cunanan isinalang sa Senado

KINUWESTYON ng mga senador ang kredibilidad ng panibagong testigo ng Department of Justice (DoJ) na si Technology Research Center (TRC) Director General Dennis Cunanan kaugnay ng multi-billion peso pork barrel scam.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee, kabilang sa mismong bumusisi sa kredibilidad ng testigo ay ang dating RTC judge na si Sen. Miriam Defensor-Santiago partikular sa naging testimonya ni Cunanan na nakausap lamang niya sa telepono ang mga senador tulad nina Senators Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla, Jr., at staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile na si Atty. Gigi Reyes para beripikahin ang proyekto sa pork barrel.

Tahasang sinabi ni Santiago na bilang deputy director general noon ng TRC ay dapat gumawa ng aksyon si Cunanan para tiyakin ang transaksyon ng senador tulad ng personal na pagpunta sa tanggapan ng mga senador, imbes magtiwala sa boses sa telepono.

Ngunit ayon kay Cunanan, limitado ang kanyang kilos noon dahil hindi siya ang mismong pinuno ng TRC kundi si dating Director General Antonio Ortez.

Si Cunanan ay naupo bilang TRC director general noong Enero 2010 at nangyari ang maanomal-yang transaksyon mula 2005 hanggang 2008, sa ilalim ng liderato ni Ortez.

Habang todo-tanggi si Cunanan na kumita siya sa pork barrel scam dahil ang ginawa niyang pagpirma ng disbursement vouchers at tseke noon ay bilang ministerial duty lamang kung wala ang kanyang boss.

Ngunit ayon kay Santiago, hindi pa rin makalulusot si Cunanan bagama’t tumupad lamang siya ministerial duty kaya’t kwestyonable ang pag-apply niya bilang state witness sa PDAF scam.

(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

Hamon ni Miriam:
Gigi Reyes tumestigo vs JPE

HINAMON ni Sen. Miriam Defensor-Santiago si Atty. Jessica “Gigi” Reyes na lumantad na para maging state witness laban sa dati niyang boss na si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, kaugnay sa kinasasang-kutang multi-billion peso “pork” barrel scandal.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee, iniha-yag ng mambabatas na mistulang ginagawang panakip-butas lamang ni Enrile si Reyes para makaiwas sa mga kaso.

“Attorney Gigi, return the money that Enrile stole because I am sure that Attorney Gigi is in charge of the safekeeping of these illegitimate funds abroad,” ani Santiago.

Maalala na minsan nang nanawagan si Santiago sa former chief of staff na maghugas-kamay na sa kaso.

Sina Sen. Enrile at Reyes ay kapwa nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit ng Priority Deve-lopment Assistance Fund (PDAF) ng mam-babatas para sa bogus non-government organizations (NGOs) ng ne-gosyanteng si Janet Lim-Napoles.

“Alangan namang UP (University of the Philippines) graduate, papasok siya (Reyes) ng ganyan mag-isa niya. Ay natural, may kasunduan sila na kung ano utos ng amo, susundin niya,” dagdag ni Santiago.

Maalala, sa hiwalay na testimonya ni former social  secretary Ruby Tuason, kinompirma niya ang personal na paghatid ng “kickback” money kay Reyes.   (NIÑO ACLAN/

CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *