Monday , December 23 2024

2 pares ng mag-asawa nag-duelo 1 patay, 3 sugatan

LEGAZPI CITY – Nauwi sa madugong away ang masayang inoman ng magkapitbahay na pares ng mag-asawa sa Sitio Bagong Sirang, Brgy. Panique, Aroroy, Masbate.

Kinilala ang mga sugatan na sina Ricardo Gongje, Jr., Joseph Escoto, 35, at misis niyang si Dina Escoto, pawang may mga tama ng baril at saksak sa kanilang katawan.

Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang live-in partner ni Gongje na si Evelyn Brioso.

Sa imbestigasyon, nag-iinoman ang apat nang magtalo ang dalawang lalaki dahilan para umuwi ang suspek na si Escoto sa kanilang bahay.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Escoto, may bitbit na homemade shotgun at naghamon ng duelo saka agad  pinaputukan ang mag-asawang Gongje at Brioso.

Hindi napuruhan si Gongje na gumanti gamit ang itak.

Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek kaya sumaklolo ang kanyang misis na kumuha rin ng itak.

Bagama’t sugatan sa taga ay patuloy pa rin sa pagpapaputok si Escoto.

Narekober sa crime scene ang baril at dalawang itak na ginamit ng apat sa kanilang duelo.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *