Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, aminadong nag-uusap sila ni LJ para sa anak

ni  Alex Datu

NAGUSTUHAN ng press ang pagiging accommodating ni Paulo Avelino at lahat ng tanong sa kanya ay sinagot na walang patumpik-tumpik na iniisip muna ang sasabihin para hindi mapasama ang kanyang imahe.

Tema ng usapan ay ukol sa kung naloko na ba siya? Umamin siya na naloko na minsan ng isang minamahal noong medyo bata pa. Nalaman nito na maraming lihim ang nasabing girl at isa-isa nitong nalaman habang umuusad ang kanilang relasyon lalo pa’t may mga taong involved na naglalabasan. Non-showbiz girl daw ito.

Open din siyang pag-usapan si LJ Reyes na ngayon ay may kanya-kanya nang buhay na tinatahak. Ang tanging nagbubuklod sa kanila ay ang kanilang anak kaya kailangang open ang kanilang communication.

Inamin din nitong may panahon na halos manligaw siya kay KC Concepcion at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon kahit nasa ibang bansa ang aktres. ”Busy siya sa kanyang pag-aaral sa abroad at ako naman ay busy sa aking schedule kaya kulang kami ng oras na mag-communicate.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …