Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paroladong nangreyp ng anak, naglason

NAGA CITY – Uminom ng lason ang 49-anyos lalaki makaraan ireklamo ng rape ng kanyang sariling anak sa Castilla, Sorsogon.

Ayon sa ulat, nasa himpilan ng pulisya ang suspek nang bigla na lamang bumula ang bibig.

Ayon sa mga awtoridad, bago pa man dalhin sa himpilan ay idinaan sa pagamutan ang suspek dahil sa kakaibang kondisyon.

Ngunit ayon sa doktor na tumingin, nerbiyos lamang ang nararamdaman ng suspek.

Nang nasa himpilan na ng pulisya, nakita na lamang na hindi na humihinga ang suspek at bumubula ang bibig.

Napag-alaman, bago arestuhin ng mga pulis ay nagpaalam ang suspek na iinom ng juice.

Ngunit nang amuyin ng mga pulis ang bibig ay amoy pesticide.

Samantala, dati nang nakulong ang nasabing suspek sa kasong murder ngunit nakalaya matapos mabigyan ng parole.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …