ARESTADO sa isang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug pusher na kinilalang si Muhammad Salih sa parking lot ng grocery store sa Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Tinatayang P30 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa suspek. (ALEX MENDOZA)
NAARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug pusher, makaraang makompiskahan ng 200 gramong shabu, nagkakahalaga ng P30 million (street value), sa isinagawang buy-bust operation, sa Quezon City, kahapon ng hapon.
Sa ulat ni ni Atty. Jacqueline de Guzman, PDEA, Regional Director ng National Capital Region, kinilala ang suspek na si Mohamad Salih Rataban, ng 35 Road 20, Parinas St., corner Abacao St., Barangay Bahay Toro, nadakip dakong 1:30 p.m. sa kanto ng Pangilinan Street at Congressional Avenue.
Ayon kay De Guzman, mula pa noong Disyembre 2013, minamanmanan na ng ahensya ang suspek makaraang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga aktibidades ni Rabatan.
Inaalam pa ng PDEA kung anong grupo ang kinaaaniban ng suspek.
(Almar Danguilan)