Friday , November 15 2024

Omb kinalampag sa Graft vs Banayo (Sa isyu ng rice smuggling)

030614_FRONT

NAGPAHAYAG ng suporta ang iba’t ibang grupo hinggil sa panukala ni Sen. Alan Peter Cayetano na pagtatayo ng special court, na maglilitis  ng plunder at iba pang kasong katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal sa pamahalaan.

Sa kabila nito, marami sa mga concerned citizen na lumalaban sa katiwalian ang nagpahayag na rin ng pagkainip sa mabagal na pagkilos ng Office of the Ombudsman sa mga kasong inihahain sa kanilang tanggapan.

“Kahit pa may special court kung ang mismong tanggapan naman ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang hindi umaaksyon para resolbahin ang mga kaso ay tiyak na mababalewala rin ang inisyatibang iyon” sabi ni Mike Domingo, convenor ng anti-corruption watchdog na People for Empowerment and Truth (PET).

Partikular na tinukoy ni Domingo bilang halimbawa ang kaso ni dating National Food Authority (NFA) Administrator Lito Banayo at iba pang mga dating kasamahan niya sa ahensiya at ilang personalidad na sangkot sa isyu ng rice smuggling.

Una nang inirekomenda ng Senado noong nakaraang taon ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 na mas kilala sa tawag na anti-graft and corrupt practices act laban kay Banayo at mga kasabwat niya, pero hangga ngayon ay wala pa rin aksyon ang Ombudsman dito.

Ito ay matapos mapatunayan sa ginawang imbestigasyon ng Senado noon na umiiral ang rice cartel sa bansa na gumagamit ng mga dummy cooperative ng mga magsasaka bilang front sa kanilang rice smuggling operations.

Sa kanilang 43 pahinang ulat na isinumite sa plenaryo, kabilang din sa pinakakasuhan ng mga senador sa Ombudsman ang dati niyang chief of staff na si Gilbert Lauengco, na dating miyembro ng special bids and awards committee ng NFA.

Kabilang sa mga lumagda para sampahan ng kaso sina Banayo ay sina Senador Ralph Recto chairman ng ways and means committee, dating Sen. Francis Pangilinan chairman ng committee on agriculture and food.

Sumang-ayon din sa rekomendasyon sina Sen. Teofisto Guingona III chairman ng committee on accountability and public officers) dating Sen. Manny Villar chairman ng committee on trade and commerce at kasalukuyang Senate President  Franklin Drilon, vice-chairman ng ways and means .

Kasong paglabag naman sa code of conduct and ethical standards sa ilalim ng RA 3019 ang isinampa laban kay Stefanio Sano, senior deputy administrator ng SBMA.

Ito ay dahil sa paggamit ni Sano ng pangalan ni dating Senate President Juan Ponce Enrile para palusutin ang halos kalahating bilyong halaga ng smuggled na bigas sa freeport.

Matatandaan na noon pa man ay lumutang na rin ang mga pangalan ng mga hinihinalang rice smugglers tulad nina Danny Ngo, David Tan, Willy Sy at iba pa.

Inatasan ng mga senador ang Ombudsman, DOJ at NBI na sampahan ng karampatang kasong paglabag sa section 101 at 3601 at Tariffs and Customs Code of the Philippines, at RA 1956 ang mga nasabing mga hinihinalang rice smugglers.

Kabilang din sa mga pinasasampahan ng kaso ang iba’t ibang kooperatiba na sinasabing nakipagsabwatan sa mga rice smuggler para magamit silang front sa operasyon ng rice smuggling sa bansa.

Noon pa man ay napatunayan na ng mga senador na may cartel dahil natuklasan nila na halos iisa ang address at sabay-sabay na inirehistro ang mga kooperatiba at pare-pareho rin ang mga banko na ginagamit nila sa kanilang mga transaksyon.

“Iyan nga ipinangangamba namin sapagkat tila hindi naman ginagawa ng Ombudsman  ang trabaho nila na sampahan ng kaso sina Banayo ayon na rin sa rekomendasyon ng senado” wika ni Domingo.

Binigyang-diin niya na panahon na raw para ilabas ng Ombudsman ang resulta ng ginawang imbestigasyon hinggil sa kaso nina Banayo.

“Ano pa ba ang hinihintay nina Ombudsman Morales para aksyonan ang kaso gayong kompleto naman ang mga ebidensya laban sa kanila” tanong ni Domingo.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *